#Fear 60: The Possession

2.2K 62 10
                                    

#Fear 60: The Possession


Nemsey's POV

Ikatlong araw na ni Xenzel sa Shrine Inn, kasama kami ni Celine. Sakto rin kasing sembreak na namin kaya wala na kaming klase. Kami ang nagboluntaryong pumunta dito para samahan siya sa loob ng limang araw.

Gumising na siya kagabi mula sa pagkakahimatay, pero sabi niya nahihirapan daw siyang huminga at parang may nakadagan sa katawan niya kaya naman pinalagyan namin siya ng nasal cannula.


"Friend, gising na yung prinsesa natin." Nakangiti akong kinalabit ni Celine.

Huminto ako sa pagkalikot ng phone ko at nilingon ko si Xenzel. Gising na nga siya at mukhang nakakahinga na siya nang mabuti.


Agad akong lumabas para tawagin si tito Xing at sina Bum, Phenox, at Eros. Dali-dali din silang pumasok para tignan ang kalagayan ni Xenzel.

"Bumalik na ang lakas niya." Seryosong pahayag ni Eros matapos niyang hawakan sandali yung pulsuhan ni Xenzel.

"Mabuti naman. Nagugutom ka na ba, hija?" Tanong naman ni tito Xing kay Xenzel.

"Si Jeirel Xevian..."

Napahinto kaming lahat sa biglang sinambit ni Xen.

"Gusto kong makita si Jeirel Xevian..."

"Honey, alam mong hindi pwede. Tatlong araw na lang, okay?"

"No. Gusto ko siyang makita ngayon." Pagmamatigas ni Xenzel sabay bangon.

"Hindi nga pwede. Malapit na kayong ikasal, konting tiis na lang." Sagot ni tito Xing habang nakatayo pa rin sa tabi niya.

Sina Phenox at Bum ay nakatayo sa likuran ni tito Xing at mukhang may masama silang kutob sa nangyayari kay Xenzel. Kitang-kita sa mukha nila eh. Blangko lang yung tingin nila kay Xenzel pero kanina pa sila lingun nang lingon sa isa't isa.


May nase-sense din ba silang kakaiba?


Ako kasi meron.



Parang natatakot ako kay Xenzel.
















(  ̄ー ̄)φ__

Naghari ang katahimikan sa buong silid kung saan naroroon ang ilang miyembro ng VEMUS at ang magkakaibigang sina Xenzel, Nemsey, at Celine.


Sa wakas ay hindi na nagpumilit si Xenzel na makipagkita kay Zypher. Yun nga lang, kakaiba ang katahimikan nito ngayon. Nakaupo pa rin ito sa gitna ng kama habang blangkong nakatitig sa pinto.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon