"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita."
#COMPLETED
☣ von Einsiedel Series 1
Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...
Isang linggo na ang lumipas matapos ng confessions ni Nem sa'kin tungkol kay Ree. Isang linggo akong naghintay bago ko tuluyang tinanggap ang alok ni Vain na mag-usap kami nang maayos at masinsinan.
"Nasaan po si Zypher?" Nakangiti kong tanong kay mommy Kyu na nagbabasa ng isang libro habang nakaupo sa victorian lounge sa sala.
"Umalis siya kaninang umaga, dear. Bakit?" Nakangiti niya akong tinignan.
"Kasi po...may mahalaga sana akong pupuntahan..." Nag-aalangan kong sagot sa kanya.
Sana naman payagan nila ako kahit wala si Zypher... Yung abnormal na yun kasi hindi man lang nagpapaalam kapag may pupuntahan!
"Saan naman?"
"Sa Zefirelli Main Restaurant po sana. May kailangan lang po kasi akong kausapin. Babalik naman po ako agad." I tried to sound convincing.
"Okay." Ngumiti ulit si mommy at tiniklop niya yung librong hawak niya tsaka siya tumayo. "Neptune! Maze!" Bigla niyang panawagan.
Agad na may nagsitakbuhan palapit sa'min. Tatlo sila.
"BOSS!" Sabay-sabay nilang sabi.
Eh? Dalawa lang yung tinawag ni mommy ah?
"Ah, pasensya na, Black Maze. Si White Maze ang ibig kong tawagin kanina." Natawa si mommy at ganun na din yung...dalawang Maze. Ah, okay, dalawa pala silang nagngangalang Maze.
"Sabi ko na nga ba." Umatras si Black Maze at umalis.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Black Maze)
"Neptune at White Maze, samahan niyo si Xenzel sa Zefirelli Main Restaurant. Magsama na rin kayo ng sampung gangsters." Utos ni mommy.
"Opo."
Agad na hinawakan nina Neptune at Maze yung mga relong nasa kaliwang pulsuhan nila.
"Second batch, first five, pumalibot kayo sa Zefirelli Main Restaurant. The rest, magpatuloy sa trabaho." Ma-awtoridad na command ni Maze—I mean WHITE Maze.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.