#Special Chapter: Releasing the Pain
✙ (  ̄ー ̄)φ__ ✙
Magkasama ang magkapatid na lalaki sa kwarto ni Kel. Kanina pa paikut-ikot sa harap ni Kel si Jeirel Xevian. Hindi pa rin kasi ito mapakali sa nangyari sa Shrine Inn. Siya naman ay nakaupo lang sa paborito niyang beanbag habang pinipisil-pisil ang isang maliit at malambot na bola.
"Hinalikan ko si Xenzel, bro, pero ramdam na ramdam ko talagang si Devika yung hinahalikan ko." Kwento pa nito sabay hinto sa harap niya.
"Salamat naman at huminto ka na. Nakakahilo kang panoorin." Imik niya sabay buntong-hininga. "Ano ba talaga plano mo? At talagang ako pa ang pinagkukuwentuhan mo niyan ah?"
"Ts. Alam mo namang tayo ang pinakaclose diba? Sa'yo ako pinakamalapit, Kel. At alam mo ring ikaw lang ang may alam ng lahat tungkol sa'min ni Devika." Paliwanag nito sa kanya sabay halukipkip.
"Okay." Tumangu-tango siya. Hindi naman niya made-deny yun. "Ibig mo bang sabihin, nalilito ka na ngayon sa nararamdaman mo para kay Xenzel?"
"Hindi! Hindi ganun!" Depensa nito sabay buntong-hininga habang nakatayo pa rin sa harap niya. "Sigurado akong mahal ko talaga si Xenzel. Pero mahal ko rin si Devika. Mahal ko silang dalawa, at sa tingin ko yun ang dahilan kung bakit hindi matahimik si Devika."
"Ano ba gusto mo? Na ipaintindi kay Devika ang tungkol sa inyo ni Xenzel?" Kumunot ang noo niya. Ayaw man niyang pag-usapan si Xenzel, wala na siyang magagawa. Kailangan talaga niyang tulungan ang nalilito niyang kapatid.
"Oo, yun na nga. Para matahimik na yung kaluluwa niya. Pero hindi ko alam kung paano ko gagawin yun. Ano ba ang dapat kong gawin?" Hinawakan nito ang sariling ulo na para bang gulung-gulo talaga ito sa mga nangyayari.
"Sa tingin ko kailangan mong pumunta sa Seriun. Pumunta ka sa rooftop kung saan siya nahulog. Kausapin mo siya at magpaliwanag ka. Lahat ng gusto mong sabihin, sabihin mo na. Baka makatulong yun para mas maintindihan ka niya." Payo niya dito at tinitigan niya ito sa mga mata. "Malapit na ang kasal niyo ni Xenzel. Alam mong hinding-hindi kita mapapatawad kapag sinaktan mo siya."
Napahinto si JX sa banta niya. Magsasalita pa sana ito pero bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa nun ang isang magandang dalaga.
"N-Nag-uusap pala kayo. Sorry sa istorbo." Nakangiti nitong sabi sabay akmang lalabas pero agad niya itong pinigilan.
"Hindi, okay lang." Pahayag niya sabay tayo para lapitan ang babae. "Paalis na din si JX."
"Talaga?" Ngumiti ulit ito at lumapit na din sa kanya.
"Ah, oo, Eirini. Kel, salamat sa tulong. Mauna na'ko." Pamamaalam ni JX at diretso na itong lumabas.
Huminga siya nang malalim at tinignan ulit niya si Eirini, ang fiancee niya. Tapos na ang engagement party nila kaya opisyal na silang nakatali sa isa't isa.
"Bakit ka pala napadalaw?" Mahinahon niyang tanong habang tinitignan ang maganda nitong mukha.
"Ah, nalaman ko kasing mahilig kang kumain ng cheese-stuffed pizza kaya naisip kong dalhan ka. Hindi ka naman kasi lumalabas masyado eh." Napakabait talaga nitong magsalita.
Si Eirini Lee ay isa sa mga sikat na estudyante ng Seriun. May fansclub sila ng kapatid niyang si Feiyenne Lee. Kung natatandaan mo pa, isa rin si Eirini sa cast ng The Vampire's Princess(es) na play ng Seriun Theatre. Parang model ang dating ni Eirini at angelic din yung mukha nito. Mahinhin rin itong gumalaw at mabait itong magsalita. Ideal type talaga ito ng karamihan sa mga kalalakihan.
![](https://img.wattpad.com/cover/67915159-288-k601735.jpg)
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...