#Fear 49: Punished?
✙ (  ̄ー ̄)φ__ ✙
"And please, Xenzel Jang Crusiano! Don't you ever do that again!" Tagis-bagang na sigaw ni Mr. Crusiano kay Xenzel.
"Sorry na po, dad..." Nakayuko naman niyang sagot.
Nahatulan siya ng pagkabilanggo sa kwarto niya sa loob ng dalawang araw, nakita na niya yung galit at dismayadong mukha nina Mr. and Mrs. von Einsiedel, nasigawan pa siya ng ama niya.
"Buti na lang talaga hindi ka napaano! Hindi mo ba alam kung ano yung operasyon ng VEMUS sa lugar na yun?! Paano kung nasama sa pagsabog yung pinagtaguan mo! My God, Xen! Mag-isip ka nga sa susunod!" Galit pa rin talaga ito sa kaya.
"Sir Xing." Pumagitna bigla si Zypher sa kanila ng ama niya.
Natahimik ang ama niya at napatitig dito.
"Dad." Mr. Crusiano corrected.
"Ah, pasensya na po. Dad." Pag-ayos naman nito. "Kasalanan ko po talaga. Hindi po kasi ako nagpaalam sa kanya na sasama po ako sa misyon."
"Underboss—"
"Xevian na lang po." Si Zypher naman yung nagcorrect.
"Oo nga pala. Xevian, hindi mo na kailangang takpan pa 'yang ginawa ni Xen. Masyado lang talaga siyang padalus-dalos sa mga desisyon niya lagi. Kung ano yung naiisip niya, yun na agad. Hindi marunong—"
"Dad. Ang mahalaga po, okay lang siya. Alam niyo naman pong hindi ko siya pababayaan at hindi siya pababayaan ng VEMUS. Papuntahin niyo na lang po si Moji dito."
Bigla siyang naalerto sa narinig.
"Teka! Walang kasalanan si Moji! Ako yung—"
"Sige. Papupuntahin ko siya dito." Pagsang-ayon ni Mr. Crusiano tsaka ito bumuntong-hininga at lumabas sa kwarto niya.
Agad niyang hinila si Zypher paupo sa tabi niya.
"Uy! Wag mong anuhin si Moji. Ako naman talaga yung may kasalanan eh! I tricked him!"
"Underboss, kanina pa po ako nasa labas." Biglang umeksena si Moji.
Napalingon sila ni Zypher nang sabay. Bigla siyang nakunsensiya. Mukhang mapapaano pa si Moji dahil sa katangahan niya.
Hinawakan niya yung kaliwang braso ni Zypher para pigilan ito sa maaaring gawin.
"Alam ko naman pong paparusahan niyo po ako." Napalunok si Moji at napayuko.
"Zypher..." Imik ulit niya.
"Sa totoo niyan..." Bigla itong may iniabot kay Moji.
Agad niyang nakita ang pagkabigla sa mukha ng gangster at nag-aalangan pa nitong ibinaling ang tingin kay Zypher.
"U-Underboss..."
"Kahit na muntik nang mapahamak itong fiancee ko kanina, natutuwa pa rin ako dahil pinahiram mo yung motor mo sa kanya. Kung hindi mo ginawa yun, malamang hindi ko makikita ang concern niya para sa'kin." Tagibang na ngumiti si Zypher tsaka nito tuluyang ibinigay kay Moji ang isang maliit na pin na hugis arrow. Kulay bronze iyon.
"S-Salamat po, Underboss JX! The best talaga kayo!" Tuwang-tuwa nitong tinignan yung pin.
"No problem. Pwede ka nang lumabas."
"Sige po!" Dali-dali itong tumakbo palabas. "Yugggiii! May pin na'ko!"
"Ano yung pin na yun?" Nagtataka niyang tanong sa katabi.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...