#Fear 17-Pt.2: The Ghosts
✙ Xenzel's POV ✙
"Nakuha na rin ng Force Team ang autopsy results ng iba pang namatay. It was rushed, so nakuha agad yung results. Anim sa kanila ang pareho ang findings. Ang anim na 'yon ay nagtamo ng tatlong saksak sa dibdib, including Rica Miller and Blaire Cortez. Nakitaan rin ng pasa sa leeg ang anim na estudyante at yun pala ay resulta ng mahigpit na sakal sa mga leeg nila. And also, puro sila scholars , at puro sila ALIPIN ng Gehenna Sentries." Pagpapatuloy ni Mj.
Naramdaman ko ang marahang paghigpit ng hawak ni Nem sa kamay ko.
"Nem... Ree and Zypher will help you." Nakangiti kong bulong sa kanya.
Kita ko pa rin ang pangangamba sa mukha niya pero nagawa pa rin naman niyang bigyan ako ng isang ngiti.
(Nemsey above)
"Tatlo din sa mga biktima, kabilang na si Tanya Gomez, ang buntis noong namatay. Iba-iba ang paraan ng pagpatay sa kanila—binasag ang bungo, hinampas ang tiyan, binali ang likod. Pero pare-pareho silang may dinadalang bata sa sinapupunan." Napahinto si Mj at napabuntong-hininga. Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Pusong mamon din pala itong leader ng Force Team. "Kein." Bigla niyang inakay yung pinsan niyang leader din ng Force Team.
"Okay." Maangas na tumayo si Keina at nagsalita. "Three of our dead schoolmates got numerous wounds and bruises allover their bodies. Base sa autopsy results, maraming nangyari sa katawan nila bago sila namatay. Nabunggo, nakalmot, nasabunutan, nasuntok, nasaksak. Parang binugbog ng maraming tao. But when we checked the SHC footage, STATIC. Static, static, static!" Napahawak siya sa noo niya at huminga siya nang malalim. "Unless it's an inside job, there is really no reason for the footage to be static. Anyway, may isang estudyanteng namatay dahil nagcrack bigla yung spine niya. Base sa mga kaibigan niya, wala naman daw siyang binubuhat na mabigat at wala naman siyang ginawang intense sa katawan. Next, we have two students who died accidentally. Yung isa, nahulugan ng kutsilyo sa ulo at yung isa naman ay nadulas sa banyo at nabagok ang ulo sa inidoro. Lastly, may dalawang estudyanteng...naging weird daw bago namatay. Sabi ng mga kaklase nila, iba-iba daw yung pinagsasabi nila. Minsan daw para silang wala sa sarili at minsan nama'y biglang nagsisigaw. Pareho silang natagpuang patay sa isang classroom at ayon sa SHC footage, they killed themselves." Muling huminga nang malalim si Keina at bumalik na siya sa upuan niya.
"Roselyn. Your turn." Narinig kong imik ni Zypher.
Agad namang tumayo si Roselyn ng Exorcist Team at siya na ang pumalit kay Keina sa harap.
"Okay, guys." Binuksan niya ang dala niyang makapal na notebook at ipinatong iyon sa mesa. "Ang sasabihin ko ngayon ay...uhh... Okay, WEIRD. Pero subukan niyo na lang intindihin at tanggapin, since lahat naman kami ay nagtrabaho ng mabuti para makuha ang mga impormasyong ito." Huminga siya nang malalim at tumingin sa aklat. "The Exorcist Team identified 8 kinds of ghosts existing around our university."
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...