Kevin's POV
Pasukan nanaman ulit haha pumunta na kami ulit sa bahay ni Hazel as always tapos nandoon na agad si Mae haha. Nung nakapasok na kaming lahat para sunduin si Hazel at ayan na haha nasa kotse na kami pero walang tahimik kundi puro ingay na haha.
Pagdating namin sa school lahat na nasa labas. Haha kaya lumabas na kaming lahat sa kotse pero pinoprotektahan pa namin sina Mae at Hazel, nung nakalampas na kami sa mga madaming tao umalis na kami at pumunta na sa klase naming lahat umupo ako sa tabi ni Hazel at naghintay ng professor namin.
"Musta na?" Tanong ni Hazel.
"Haha okay lang ikaw?"
"Okay lang din." Sa puro kwento ang mga pinagsasabi namin haha hanggang sa dumating na ang professor namin.
"Good morning class! Welcome back! How's your bakasyon?" Sagot namin agad lahat ay "Masaya!" Haha syempre naenjoy sila sa celebration haha.
"Haha o nga pala may bagong studyante tayo ngayon bagong lipat daw siya." Oh? Bagong studyante? Sino kaya yun?
"Ohmyg sana gwapo!"
"I know right! Sana gwapo!" Sige lang haha sigaw pa asa pa haha! Pumasok na yung bagong studyante si, p*ta! Dito ba naman siya maglipat? Sino pa? Edi si Daniel. And yes kilala na namin siya, siya yung member ng grupo ni Raphael. Pero bigl siya tumingin kay Hazel.
Mukhang may masamang gagawin siya ah tinignan ko din si Hazel pero wala siyang reaksyon. Umupo si Daniel sa harap ni Carlos. And ang kaharap kase namin ay si Mike at Jake tapos kaharap nila si Peter at Carlos at ang nasa likod namin ang ang M&M.
Nagsimula na ang klase pero sigurado ako may mga reaksyon yung mga bros ko. Nung 2nd subject na nagsusulat na si Hazel nang biglang nagbrown out.
"Hala!" Sigaw namin lahat. Ramdam ko na nanginginig siya sa dalim haha takot sa dilim itong si Hazel haha pero hinawakan ko kamay niya at kumalma siya, wow ah apektado pala kapag hinawakan ko siya titigil pala siya sa takot haha.
Pero saglit naman yung brownout at bumalik na kami ulit sa pagsusulat. Nung matatapos na ang next subject namin inaya ko ang mga bros ko para magusap ng private.
And we have a special room of course pero for private members lang yun which means kahit sinong sikat na tao pwede pumasok pero pag hindi, di talaga pwede. Sa ngayon ang pinag-uusapan namin si Daniel.
"Pano toh? Si Daniel nakalipat na dito sa school natin pano kung may manyare nanaman?" Alala ni Martin.
"Wag tayong mag-alala basta ihanda lang natin ang sarili natin lalo na sina Mae at Hazel delikado pag napahamak sila sa sitwasyon natin." Sabi ni Peter.
"Kaya ang gagawin natin kailangan batanyan natin silang dalawa lalo na kayo Martin baka mapahamak si Mae ah, basta lahat-lahat tayo ang mag titingin-tingin sa kanila okay?" Sa sinabi ko nag okay sila. Pagkatapos ng private talk namin pumunta na kami sa canteen at hinanap ang dalawa.
Hm, nasan kaya sila? Di kaya nasa klase na sila? Pumunta ako sa klase at wala sila dun baka sa library pumunta ako dun wala din sila dun. Hay nako! San kayo pumunta itong dalawa? Sinubukan ko din puntahan ang garden tas nandoon sila nakaupo sa bench tumatawa haha grabe ang kaba ko jusko kala ko nawala sila!
Di na muna ako umalis pero nag tago pero hindi nila ako makikita. Maya-maya umalis na sila at sinundan ko pero kunwaring nagtetelepono o katext haha. Nung nakita ko kung san sila pupunta, papunta na pala sa klase kase lunch time is over.
Pumunta na ako sa klase kasama ang mga kaibigan ko dahil nagkasabubong kaming lahat at umupo na kami diretso sa upuan namin.
Dumating na yung professor namin at nagsimula na yung klase ulit. Pagkatapos ng huling subject uwian na. Sumakay na kaming lahat sa kotse at nagsimula na ang biyahe.
Paghatid namin kay Hazel hinatid na nila ako at umalis na sila. Pagpasok ko ng bahay tahimik siguro natutulog na sila at ako lang ang gising pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pangbahay.
Habang nag-aaral ako may kumatok sa pinto.
"Pasok." Pumasok si mama dala-dalang pagkain dinner I think.
"O anak kain ka muna bago ka mag-aral."
"Sige po ilapag niya lang po diyan sa lamesa thank you." Nilapag ni mama yung pagkain at umalis sa kwarto ko. 12:00 na pala hay masyado tuloy ako nag-aral. Kumain nalang ako at banyo and dumeretso sa higaan and tulog na ako.
Hazel's POV
Hay grabe nagulat talaga ako kanina bat ba naman sa school pa namin siya lumipat? Ano nanaman ag gusto niya? Bakit niya ako sinusundan? Ang dami kong tanong sa isip ko, makapag-aral na nga.
Pero maya-maya may biglang tumawag sa telepono ko pero unknown na number sinagot ko nalang.
"Hello?"
"Hi Hazel, si Daniel pala ito."
"Ah haha okay haha sige isave ko lang muna number mo."
"Sure. Matutulog ka na?"
"Matutulog palang, bakit?"
"Kase ano um.. Pwede hangout tayo bukas sa lunch time?"
"Ah haha di ako pwede eh kailangan ko mag-aral kase may quiz at project kaming gagawin. Next time nalang okay?"
"Okay bye goodnight." Tas binabaan niya naako ng telepono. Bakit niya kaya gusto makipag hangout sakin? Don't tell me di parin siya susuko sakin I mean seryoso talaga ako wala na talaga akong nararamdaman sa kanya.
Sinave ko nalang yung number niya at matulog nalang.
The Next Day~
Gumising ako pero iba na yung pagkakaamoy ng breakfast hindi na yung itlog at bacon at pandisal. Ang naamoy ko spaghetti lang pagdilat ko ng mata hindi ko ineexpect na nandito na siya sa tabi ko.
Ang tanong ko bakit siya nandito? Ang nakaupo naman ay si..
Abangan sa susunod na chapters..
Hello po guys, grabe may kapalit nanaman si Hazel. Pero sino kaya yung tao na yung hindi niya talaga aakalain na siya ang dumating sa tabi niya? Malalaman na sa susunod na chapter.
Thank you talaga vote/comment lang hehe pwede niyo din ishare kahit kanino thank you talaga sa madaming votes I hope na naeenjoy kayo sa storyang toh salamat po talaga. Thank you^^
BINABASA MO ANG
Tayo Na Ba?
RomanceIsa akong simpleng babae at sa isang araw nakilala ko ang isang lalake sa school namin. At ang besprend ko si Mae at kaibigan ko yung mga lalake na kaibigan niya at kaibigan ko na din si boy. Pero isang araw nakaroon ako ng nararamdam ko kay boy.. P...