Hazel Fainted

60 3 0
                                    

Nicole's POV

Pagdating ko sa school nagsigawan na ang mga tao. Ha! Ibigsabihin nandito na sila. Nakita ko si Mae at Hazel dadaan na sana hinarang ko silang dalawa.

"Angela pwede ba layuin mo kami?" Tss, hindi naman siya kausap ko eh ang gusto kong kausapin si Hazel.

"Hindi naman ako dito para kausapin ka eh, si Hazel lang naman ang gusto kong kausapin eh." Tumingin sakin si Hazel pero parang wala siyang reaksyon.

"Diba sabi ko sayo layuan mo ang boyfriend ko?" Wala parin siyang reaksyon umalis nalang ako pero bago ako umalis.

"O nga pala last warning ko sayo yan. You don't want me to hurt you right?" Umalis na kami ng kaibigan ko at pumunta na sa klase.

"Good morning pres." Yes ako ang president sa section ko.

"Morning." Umupo naako sa upuan ko at hinintay yung guro namin.

"Do you think you can pass your warning to her?" Tumingin ako kung sino yung nag-salita si Kevin pala.

"Why? Masama ba ba siyang iwarning?" Tinignan ako ng masama.

"Bakit mo siya pinoprotekta?"

"It doesn't concern you." Tch. Doesn't concern daw. Umalis na si Kevin sa klase ko at nagsimula na ang klase namin.

Kevin's POV

Ano ba pakialam niya? Gusto niya talaga malaman kung bakit ko pinoprotektahan si Hazel.

Pagdating ko sa klase si Hazel at si Mae nag-uusap tapos mga pare ko nandun sa group table namin haha syempre may sari-sarili kaming lamesa haha.

"Mga pare musta?" Tumingin sila saakin.

"Okay lang kami o nga pala may sasabihin pala ang ating alien."

"Ang sama mo rin noh!" Haha itong si Carlos talaga kahit kailan haha.

"Ano yun Martin?" Tanong namin lahat.

"May nararamdaman naako kay Mae." Ano? May naramdaman siya kay Mae?

"Woah! Kailan pa?"

"Since nung nameet natin siya." Tumawa nalang kami.

"So Martin, kailan mo pala sasabihin kay Mae ang nararamdaman mo?"

"Haha di ko nga alam eh, maybe sa right time nalang." Tas nag "Ahh" kami and then nag-uusap kami ng paiba-iba ng topic hanggang dumating na ang guro namin. Tumabi ako ule kay Hazel at nagsulat na kami.

"Psst." Binigyan ko siya ng papel sinulat niya ang sagot niya.

"Hindi muna ako sasama sayo sa lunch ah?"

Pinasa ko sa kanya at di niya nalang sinagutan. Pagkatapos ng isang subject namin lunch time na namin.

So iniwan ko muna si Hazel at pumunta ako sa grupo ko. Nung nakita ko sila nagtawanan kami kung ano-ano ang pinag-uusapan namin haha. Pero napapansin ko wala si Mae.

"Uy nakita niyo ba si Mae?" Tanong ko sa kanila sumagot sa Martin.

"Nasa garden siya kumakain doon." Hmm. Bakit kaya nawalan ng gana si Hazel kumain? Kaya nung tumayo na kami pumunta kami sa hallway pero may sumigaw ng tulong pag harap namin si Hazel nakahiga sa sahig at si Mae yung naka upo sa tabi niya umiiyak.

"Mae anong yare diyan?!"

"Hindi ko alam eh, basta pagpunta ko dito nakita ko nakahiga si Hazel ginigising ko siya ayaw niya gumalaw hindi pa siya humihinga." Tumakbo kami papunta sa kanya pero ako nagbuhat sa kanya. Nung binuhat ko siya pinuntahan ko ang clinic. Pagpasok ko sa loob nakita ng doctora na binubuhat ko si Hazel pinahiga ko siya sa kama ng clinic.

Tayo Na Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon