Exordium

2.1K 100 45
                                    

[Teaser Vid ng Chiaroscuro yung nasa multimedia box, pakiclick po para mapanood niyo :)]

[Teaser Vid ng Chiaroscuro yung nasa multimedia box, pakiclick po para mapanood niyo :)]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


~♡~

Light brought her to him.

Hindi ako bitter.

Naniniwala ako sa forever.

Alam ko na balang araw matatagpuan ko rin yung lalakeng para sa akin, yung tipong makakabungguan ko sa gitna ng kalsada at sa isang crowded na lugar. Tapos biglang tutugtog yung chorus ng Born for you.

Sabi nga nila masyado daw akong hopeless romantic, yung mga bagay na imposible at malabong mangyari ay pinaniniwalaan ko.

Hindi naman kasi ako hopeless romantic eh! Believer lang. Mas okay na yung pessimist ka sa lahat ng bagay para less worry, kagaya nung sa dati kong crush na si Kiel.

Tinawag niya kasi ako tapos may dala dala siyang flowers. Aba syempre lapit agad ako, sa isip isip ko sa wakas nahulog na rin siya sa alindog ko! Aamin na siya sa akin, kaso...

"Quin paki-abot naman 'to kay Shanin. Nahihiya kasi ako, pakisabi galing sa secret admirer niya."

O'diba ang sweet ng crush ko! Hindi nga lang sa akin.

So ayun, matapos ko i-abot kay Shanin yung mga bulaklak pampatay—este bulaklak ng pagmamahal ni Kiel, sinabi ko sa sarili ko na hindi lang siya yung ka-born for you ko, siguro yung Kevin ng buhay ko na-traffic lang.

Kaya cheer up baby na, sa sususnod na magka-crush ako, ako na gagawa ng first move, okay lang naman na babae ang manligaw e, aba choosy pa ba yung liligawan ko? Ang cute ko kaya!

Ako, si Quin Angelle Minatozaki at hindi pwedeng shy shy shy!

~♡~

Darkness brought him to her.

Hindi ako naniniwala sa love.

Walang forever. Kagaguhan lang yan.

Sa lagay ng buhay ko, maniniwala pa ba ko d'yan? Wala rin namang babaeng dumaan sa buhay ko ng matagal e, lahat sila umalis lang din at iniwan ako.

Oo alam ko gago ako

Araw araw may pinapasukan akong gulo.

Sino ba namang hindi magagago buhay kung pamilya mo sira na? May kanya kanya na rin silang pamilya.

Tapos yung ka isa-isang babaeng sineryoso ko, tinwo time lang pala ako.

Tangina ng buhay.

"Pre, mukhang natakot mga 'yun."

"Oo nga nakita lang 'tong si Keen nagsi-atrasan na. Mukha nalampaso mo na mga yun ha."

Itong mga kasama ko, sila yung mga sunod sunuran ko, mga liko rin ang buhay.

Araw araw gulo ang hanap ko, oo gago ako. Kaya lahat ng haharang harang sa daanan ko hinahamon ko, isa na doon yung grupong nagsi-alisan.

"Iba talaga ang isang Keen Vryx Fierro, walang sinasanto."

~♡~

Love changes everything. Either from better to worse or from worse to better.

But through the midst of these two, what changes will occur?


-☆-

Kaway kaway sa mga ONCE at ARMY d'yan! Mag ingay ho tayo :)

Sana po suportahan niyo 'tong story ko. 

Para sa mga V and Sana shippers! <3 

Vote and comment are highly appreciated! Libre naman, kaya hit vote and share your own thoughts in the comment box! Aja!

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon