Four

719 49 9
                                    

Chapter Four: Bento

Forgiving them isn't the hard part, it's trusting them again

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Forgiving them isn't the hard part, it's trusting them again.

  ~❤️~  

KEEN


"Mali ka, alam kong hindi ka masamang tao. Kaya mo nagagawa mga ganung bagay dahil may problema ka, kung ano man yun tutulungan kita. Kaya ito ang tatandaan mo Keen, hindi kita susukuan."

Mabubulaklak na salita

Mga salitang minsan ko ng pinaniwalaan

Mga salitang minsan na rin akong naloko

At hindi na mauulit yun. Hinding hindi na

Kasinungalingan lang 'yan. Magsasawa rin siya at susukuan ako. Wala namang nagtatagal sa akin eh.

"Oh pre ano nanaman problema mo? Mukhang masama araw mo ngayon ah"

Tinapik ni Samuel yung balikat ko at tumagay rin.

"Kelan ba naging mabuti araw n'yan? Magbuhat nung umuwi yan dito sa Pilipinas nag iba na yan eh" sabi naman ni Clave.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang sa pag inom.

Maayos yung buhay ko noon.

Yung mga panahon na buo pa yung pamilya ko.

"May pasok ka pa bukas tol, tigil na yan." Kinuha ni Samuel yung iniinom ko at inilayo sa akin

Tinignan ko naman siya ng masama

"Lasing ka na"

"Hindi pa ko lasing" inagaw ko yung bote pero hindi niya ito binitawan, kulit pucha.

"Sumagot ka, ibig sabihin lasing ka na. Dapat hindi ka nagsasalita"

Inilayo niya sa akin ng tuluyan yung iniinom ko, badtrip naman.

Tinapik ni Clave yung balikat ko at nginitian ako

"Hayaan mo na 'yun, hindi ka na nasanay sa lalakeng 'yun"

Nagkibit balikat ako at tumayo na para umalis. Wala naman na 'kong mapapala dito, guguluhin lang ako nung dalawa.

Pero bago pa man ako makalabas ng bar ay binalaan ako ni Clave

"H'wag kang makikipag away ah, umuwi ka na agad"

Kung may mauuwian lang ako eh.

Sila yung tinuturing ko ng parang kapatid, kasama si Caleb, pero hindi na ganun katulad ng dati. Ayoko ng magtiwala pa sa lahat.

Habang naglalakad ako, may nakabungguan naman akong mga lalake. Tinignan ko sila ng masama at nginisian

"Ang yabang nito ah" bulong nung isang lalake

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon