Fourteen

680 43 19
                                    

Chapter 14: Moo

Never push a loyal person to the point where they no longer give a damn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Never push a loyal person to the point where they no longer give a damn.

~♡~

QUIN

Isang linggo nang makalipas nang hindi ko masyado kinukulit si Keen. Hindi ko na rin siya masyado nakikita kasi hindi ko naman na siya kinikita.

Alam ko wala naman akong karapatan na umakto ng ganito kasi ako naman ang nag presinta na manligaw sakanya.

Pero kahit ngayon lang, mag iinarte muna 'ko.

"Ano nanaman ba 'yan Quin?"

Tinaasan ako ni Hadley ng kilay dahil may sinusulat nanaman ako sa sticky note ko.

"Para kanino pa ba? Edi kay Keen." Inilingan ako ni Blair kaya naman binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti.

"Alam mo napaka weird mong babae ka. Iiwas-iwasan mo pero magdidikit ka araw araw ng sticky note sa locker niya? Hibang ka na talaga." Sabi ni Hadley sa akin

"Gusto ko lang iparating sakanya na kahit masasakit yung mga sinabi niya at kahit hindi ko siya pinapansin sa ngayon, malaman nyang hindi pa rin ako sumusuko sakanya. Yun naman kasi yung kailangan niya, isang tao na palaging nand'yan sa tabi niya, kumbaga assurance na hindi talaga siya iiwanan."

Napakamot ng ulo si Hadley at blangko naman ang ekspresyon ni Blair na nakatingin sa akin, ilang sandali lang ay pareho nila akong sinabunutan.

Ang mean!

"Aray!" sinimangutan ko sila sa ginawa nila, konting konti na lang talaga malalagas na mga buhok ko dahil sa kakasabunot nila.

"Napakalalim naman kasi ng mga sinabi mo. Words of wisdom ba yan teh? Itae mo na yan, alam kong natatae ka lang"

Sinamaan ko ng tingin si Hadley. Napaka mean talaga nito! Seryoso kaya yung mga sinabi ko. Totoo naman kasi, ang kailangan ni bebe Keen ko ay yung hindi siya iiwanan at hindi siya susukuan, syempre, yun ay ako!

Nang makarating na kami sa school, dumiretso agad ako sa locker area at hinanap yung number 14. Idinikit ko yung sticky note doon na may nakasulat na motivation quote.

Araw araw, walang palya ay ginagawa ko 'to t'wing umaga. Gusto ko kasi bago siya pumasok sa klase niya, makita niya yung message ko sakanya para naman ganahan siyang pumasok at makinig! Hihi ang talino ko talaga!

Nang akmang maglalakad na 'ko paalis ay nakita ko si keen. Omg! Anong gagawin ko? Iiwasan ko ba siya o babatiin ko?

Lumapit siya sa tabi ko at binuksan 'yung tabing locker na pinagdidikitan 'ko.

Teka, bakit yan yung ginagamit niya?

Binuksan niya yung number 15 at inilagay yung mga dala dala niyang papel doon.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon