Chapter 27: Tenerife Sea
I fell in love with you, before I even realized I did.
~❤️~
QUIN
Huminto kami sa paglalakad at ramdam ko namang nasa elevator kami. Tinanggal na nila yung takip sa bibig ko pero hawak pa rin nila yung dalawang kamay ko at naka blindfold pa rin ako.
"S-Saan niyo ko dadalhin? S-Sino k-kayo?"
Pero wala akong natanggap na sagot mula sakanila.
Kinakabahan na 'ko.
Kinidnap ako! Huhu anong gagawin ko?!
Lumabas na kami ng elevator at hinila nanaman nila ako para maglakad, naramdaman ko yung hangin kaya nanlamig ako, naka tube dress kasi ako kaya talagang lalamigin ako.
Hindi na rin ako nagsalita dahil natatakot ako na baka kung ano ang gawin nila sa akin kaya nanahimik na lang ako.
Maya maya lang ay binitawan na nila ako.
Nakatayo lang ako at naghihintay kung ano ang gagawin nila sa akin pero tahimik lang yung paligid. Hindi kaya inabandona na nila ako?
"A-Anong kailangan niyo sakin? P-Please po pakawalan niyo na ko, m-magiging mabait na p-po ako." Naiiyak na talaga ako, natatakot na rin ako.
Birthday na birthday ko tapos biglang magkakaganito, napakamalas ko naman!
"Tsk saltik, tanggalin mo na nga yan."
Lumakas yung kabog ng dibdib ko ng marinig ko yung boses na 'yun.
Tinanggal ko yung nakatakip sa mata ko at unti unti kong minulat iyon.
Nakatayo siya sa harap ko ngayon, nakatingin din siya sa akin.
Nilibot ko yung paningin ko at nalaman kong nasa rooftop pala kami, napapalibutan din ito ng Christmas lights at mga ilaw. Ang ganda!
Binalik ko yung tingin ko kay Keen at napansin ko namang may hawak pala siyang gitara.
"K-Keen, bakit ka may dalang ganyan?" tanong ko sakanya, pero hindi siya sumagot at nginitian lang ako.
Lumapit si Liam at nag thumbs naman siya sa akin.
Anong ginagawa nila Liam dito?! Teka bakit nandito rin si Samuel at Clave?!
Ibig sabihin ba nun, sila ang nagdala sa akin dito?
Nagsimulang tumugtog ng gitara si Keen kaya naman bumalik yung tingin ko sakanya. Nagtama yung mga mata namin at heto nanaman yung puso ko, nagpapalpitate.
🎶 You look so wonderful in your dress, I love your hair like that. The way it falls on the side of your neck down your shoulders and back 🎶
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?