Chapter Nineteen: Blair Witch
"Falling in love with him, I hadn't expected. But being in love with him is something I couldn't stop even if I tried."
~❤️~
KEEN
"Good morning Keen!" Bungad ng babaeng may saltik sa pinto habang may dala-dalang mga pagkain.
Tinignan ko siya ng masama. Anong ginagawa niyan dito ng ganito kaaga? Kala mo naman bahay niya kung makaasta, tss.
"Ba't nandito ka?" bored na bored na tanong ko sakanya pero tinignan niya lang ako at nginitian.
Dumiretso siya sa lamesa at nilapag yung mga dala niyang pagkain. Kelan pa siya naging supply ng pagkain ko?
Lumapit ako sa lamesa at akmang kukuha na ng pizza pero tinapik niya yung kamay ko, the fck?
"Ano?" Iritang irita kong tanong sakanya
"H'wag mo munang gagalawin! Wala pa sila." Sabi niya sa akin.
Kumunot yung noo ko at tinignan siya ng nagtataka.
"Sinong sila?"
Pero bago pa man niya ko sagutin may nag-door bell na. Tumakbo naman siya papunta ng pinto at binuksan iyon.
"Uy Quin!" bumungad si Liam at nakipag-high five sakanya.
"Naks nandito na agad si Mrs. Fierro." Asar ni Jaze. Sumunod naman na pumasok sila Jude, Cameron at sila Blair at Hadley.
Tangina anong ginagawa ng mga 'to sa bahay ko?
"Anong ginagawa niyo dito?" tinignan ko sila ng masama pero tinignan lang din nila akong lahat at hindi na ko pinansin. Dumiretso sila sa lamesa ko at nagkanya kanyang kuha ng pagkain.
Tss badtrip naman, ano nanaman balak nung babaeng may saltik na 'to?
Tumalikod ako at pupunta na sana ng kwarto ko para magkulong doon pero hinarangan niya ko at nginitian.
Badtrip na badtrip akong tumingin sakanya at nilagpasan siya.
"Keen! Bawal ang snob! Ito na pagkain mo oh, pinagbukod na kita para hindi ka maubusan." Itinaas niya yung plato na puno ng pagkain at inilapit sa mukha ko.
"Sige na! Kainin mo na 'to, diba gutom ka na?" tinignan ko lang siya at kinuha na rin yung pagkain. Ngumiti naman siya sa ginawa 'ko pero hindi ko na siya pinansin
Umupo ako sa sofa at tumabi naman siya sa akin. Tss kung nasaan ba ko naroon din siya?
"Oo nga pala! Pasensya na kung hindi ko nasabi sa'yo na pupunta sila Jaze dito, kasi naman alam kong hindi ka papayag! Gusto lang daw nila makapunta dito at mag bonding tayong lahat"
Hindi ko siya pinansin at kumain lang ng tahimik. Badtrip e, pasalamat talaga siya at babae siya.
Hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita habang ako naman ay kumakain lang, sanay na 'ko sa kaingayan niya.
Nang natahimik naman na siya ay tumayo na siya at nakihalubilo sa iba. Nakita ko na suot niya yung sapatos na binili ko sakanya.
Umiwas ako ng tingin at umiling.
Bagay niya.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Novela JuvenilLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?