Thirty

652 37 7
                                    


Chapter 30: Good to You

He taught me how to love, but he didn't taught me how to stop.


~❤️~

QUIN

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa mic ko.

Kami na ang susunod na mag-pe-perform. Parang kanina lang, excited pa 'kong pumunta dito pero ngayon nababalot na 'ko ng kaba.

"Kaya mo 'to Quin." Bulong ko sa sarili ko, tatlong buwan din naming pinaghirapan ito, may mga oras din na ginagabi na kami ng uwi para ma-perfect yung kanta.

Tinignan ko sila Liam, Jaze, Cameron at Jude na nasa likuran ko at naghahanda ng tawagin ang aming grupo.

Nginitian nila ako pero halata sa mga mukha nila na kabado rin sila.


Sama sama naming pinaghirapan ito, kahit na makulit at pasaway si Jaze kaya naman niyang mag seryoso sa oras ng practice, tapos si Cameron kahit na hindi ko masyado nakakausap alam ko naman na responsable din siya, lalo na si Liam. Parang siya yung daddy namin sa grupo, sobrang napaka responsable niya kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit siya ang leader namin. Si Jude naman, kahit na medyo naging awkward ang pakikitungo ko sakanya, kitang kita ko na pursigido siya at kahit gaano pa kahirap ay hindi talaga niya susukuan, kaya crush na crush siya ni Sigrid eh!

At si Keen naman, kahit na napaka sungit niya, alam ko at ramdam ko na masaya siya kapag tumutugtog at nag-pe-perform kami sa entablado.

Ako din masaya, dahil sa loob ng tatlong buwan na 'yun, hindi lang si Keen ang nakilala ko ng lubusan, kun'di sila na ring lahat. Kaya kailangan naming manalo!

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Keen yung kanang kamay ko kaya naman napatingin ako sakanya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Alam kong kinakabahan ka, focus lang Quin. Focus on the song, and in me." tinignan niya ko sa mata at binigyan ng ngiti. "—I promise I will do the same."


"Let us all give it up to, The Euphemist!" sigaw ng host na nasa stage kaya naman nagsigawan ang mga tao sa audience. Sumilip ako sa audience at nakita ko rin 'yung mga light stick na nakataas at hawak hawak ng mga estudyante mula sa aming school. May banner pang hawak sila Sigrid, Blair at Hadley katabi naman nila si Samuel at Clave na pumapalakpak at nakikisigaw din.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko at naramdaman ko namang hinigpitan ni Keen yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Show them what you got guys!" sigaw ni sir Matt.

"Good luck sa atin!" nakipag fist bump si Liam sa aming lahat at nakita naman niyang magkahawak ang kamay namin ni Keen kaya naman kinindatan niya ko.


Nakaramdam naman ako ng kilig habang naglalakad kami papunta ng stage habang magkahawak ang kamay namin ni Keen. Pati ba naman sa oras na 'to ang harot harot ng puso ko! Mag hunos dili ka nga Quin! Focus! Mag concentrate ka!

Sumulyap ako sa kanila kaya naman tinanguan nila ako. Nginitian ako ni Jude pero napawi rin yun ng ilang sandali.

Nagsimula ng magbilang si Liam bilang signal na magsisimula na.


"3....2....1"

Tumugtog si Jude gamit ang keyboard niya at nagsimula ng kantahin ni Keen ang unang stanza ng kanta.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon