Chapter Three: Remember That
The moment you're ready to quit is usually the moment right before the miracle happens. Don't give up.
~❤️~
QUIN
"Blair patikim nga ko n'yan"
Inagaw ni Hadley yung iniinom ni Blair at tinikman ito.
"Ang sarap pala, palit tayo!" Ini-abot ni Hadley yung kanya kay Blair pero binelatan siya at inagaw ni Blair yung kanya. Napasimangot naman si Hadley doon. Seryoso sino ba talaga ang mas matanda sakanila?
Habang naglalakad kami, napansin ko na tingin ng tingin yung mga estudyante sa amin tapos biglang magbubulungan.
Anong meron?
"Bakit nila tayo tinitignan?" -tanong ni Blair
"Ewan ko, baka naman nagagandahan sila sa atin?"
Sumang ayon naman si Hadley doon sa sinabi ko
Ilang sandali lang ay may lumapit na lalake sa amin, nakasalamin siya at sobrang payat niya. Mukha siyang nerd.
"H-Hi po. P-Pwede po bang m-magpa p-picture?"
Nakayuko siyang nagtanong. Teka, kanino ba siya nagpapapicture?
Nagsitinginan naman kaming tatlo.
"Sino pala yung tinutukoy mo?" Tanong ni Blair
Tinignan naman siya nung nerd at tumingin sa akin
"S-Siya po"
Nagulat naman ako sa sagot niya. Anong meron sa akin?!
Itinapat nung lalake yung phone niya sa aming dalawa kaya naman ngumiti na lang ako at nag peace sign.
Humarap siya sa akin at yumuko ulit
"S-Salamat Q-Quin" matapos ay tumalikod na siya at naglakad na palayo
Inusisa naman ako nung dalawa, bakit daw nagpa-picture yun, ano daw ginawa ko, baka daw may kahihiyan nanaman akong ginawa kaya pinagtitinginan kami.
Grabe naman sila! Ni-hindi ko nga alam kung ano nagawa ko.
Habang naglalakad kami, nakita namin na kumpulan yung mga estudyante sa bulletin. Ano kayang meron? May announcement ba?
Nilapitan namin yun at nakisiksik sa mga estudyante pero nang mapansin nila kami, or should I say, ako. Nag give way sila at nagbulungan nanaman.
Siya pala yun
Siya ba yun?
Oo nga siya! Ang cute niya
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?