Chapter Twenty: Tulad Mo
"I'm amazed when I look at you. Not just because of your looks, but because of the fact that everything I've ever wanted was right in front of me."
~❤️~
JUDE
"Wala ka na ba talagang balak kumanta?" Tanong ni Jaze sa akin habang kumakain ng cotton candy. Naglalakad kami papunta ng music room para mag practice sa nalalapit na Clash of the Bands.
"Kumakanta naman ako minsan ah." Tugon ko sakanya.
"Pero iba naman yung kanta na sinasabi ko, ang ibig kong sabihin kung may balak ka pang maging vocalist."
Nagkibit balikat na lang ako. Wala naman na talaga akong plano maging vocalist. Nandito na rin si Keen kaya malabo na yun.
Nang makarating na kami sa music room, binuksan ko yung pinto at nakita ko si Quin na nag iisa lang sa loob at nakatutok sa laptop niya. Mukhang naiiyak na nga siya kaya lumapit agad ako. Kaso itong si Jaze tinawanan siya bigla.
"Anong nangyari d'yan sa itsura mo Quin? Natutulog ka pa ba?" tawang tawa pa siya habang nakaturo sa mukha ni Quin, sira talaga 'tong mokong na 'to.
Siniko ko siya at tinignan ng seryoso kaya tumigil siya sa pagtawa niya pero halatang pigil na pigil naman.
Umiling na lang ako at lumapit kay Quin.
"Ayos ka lang ba Quin?" tanong ko sakanya, tinignan niya ko ng mangiyak ngiyak na at umiling iling.
"Hindi ako okay Jude."
"Anong problema?" hula ko, baka si Keen nanaman 'to. Lagi na lang niyang binabalewala si Quin, labo ng lalakeng 'yun.
Tinignan ko si Quin na nakatutok sa laptop niya kaya tinignan ko rin yun at nakita ko yung pinaka sakit sa ulo ko.
"Ang hirap ng project ko sa java Jude! Hindi ko alam kung ano yung mali ko, malapit pa naman na deadline nito." Tinignan din ni Jaze yung ginagawa ni Quin sa laptop niya kaya lumayo siya agad, isa rin kasi yun na allergic sa java.
Patay na. Java pa e hindi ko nga alam yan. Hindi naman computer ang field ko.
Tinignan ko ulit si Quin at mukha ngang wala pa tong tulog. Pinapabayaan niya sarili niya tsk.
"Alam mo Quin, makakapag isip ka mabuti kung magpahinga ka saglit at matulog." Nginitian ko siya pero nakasimangot pa rin siya.
"P-Pero hindi pwede, malapit na deadline nito." Makulit din 'tong si Quin, may pagkapasaway talaga.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?