Chapter Eighteen: Doll shoes
"The worst feeling in the world is when you know that you both love each other but still you can't be together."
~❤️~
JUDE
"Nice one Jude!"
Tinapik ni Jaze yung balikat 'ko kaya tinanguan ko siya.
Tinawag naman kami ni sir Matt para lumabas na at maghanap ng kakainan.
"Teka nasaan pala sila Quin?" tanong ni sir Matt
"Kanina lang nandito sila, nawala bigla." Sagot ko. Lumingon lingon naman ako sa paligid pero hindi ko pa rin sila nahagilap.
Umiling iling si sir Matt habang nakangiti, binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.
"Malamang nag-d-date yung dalawang yun, matapos ba naman haranahin ni Quin sa stage." Tumawa si sir Matt at tinignan ako, "hayaan na natin yung dalawang yun, tara na Jude."
Naglakad na si sir Matt palayo pero napako lang yung mga paa ko sa kinatatayuan 'ko. Nag-d-date sila? Posible ba yun?
Lumingon ulit ako sa paligid para tignan kung wala ba talaga si Quin, pero ang nakita 'ko lang ay si Sigrid na nakangiti sa akin.
Nilapitan niya ko kaya naman nginitian ko na din siya.
"Hi Terrence!" binati niya 'ko at yumuko rin na para bang nahihiya pa siya.
"Oh Moira, pa-gabi na bakit hindi ka pa umuuwi?"
Itinaas niya yung tingin niya sa akin
"Nagpaalam naman ako sa parents ko, sinabi ko na gagabihin ako."
"Ganun ba, so pwede ka pala sumama sa amin?" tanong ko sakanya, nanliit naman yung mga mata niya
"Saan naman?" hindi ko siya sinagot at nginitian lang. Hinawakan ko siya sa kamay para dalhin kela Jaze. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa 'ko kaya napailing na lang ako, ang cute niya talaga eh.
Nang makarating na kami sa labas, bakas sa mukha nila na nagtataka sila kung sino yung babaeng kasama ko. Lumapit si Cameron at tinignan maigi si Moira.
"Sino siya Jude? Chix mo?" tanong niya, napansin kong namula si Moira sa tanong ni Cameron.
"Hindi, number 1 fan natin 'tong si Moira kaya maging mabait kayo sakanya." Tinignan ko siya at nginitian kaya nginitian na din niya ko.
"Yun naman pala! Halika Moira sumama ka sa amin ikaw ang muse ngayong gabi!" Inakbayan siya ni Jaze at naglakad na sila papasok ng van, pero bago pa niya tuluyang mahatak si Moira sa loob ay tinanggal ko yung kamay niya na nakaakbay sakanya.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?