Chapter 47: Sweet
Girl, when I'm with you I lose track of time.
When I'm without you you're stuck on my mind
Be all you need till the day that I die, I'll love you
Over and over again-Nathan Skyes
~❤️~
QUIN
"Gusto mo lang pala ako makasamang mag-grocery, hindi mo agad sinabi sa'kin!" sabi ko sakanya. Nandito kami sa malapit na supermarket sa apartment niya.
Hindi niya 'ko kinibo at dire-diretsong kumuha ng cart. Habang tulak tulak niya 'yun, tinignan niya 'ko kaya nagtaka ako.
"Bakit?"
"Anong pwedeng bilhin?"
"Ano bang gusto mo?"
"Ikaw."
Napangiti ako ng malapad at pinalo siya ng mahina sa kanang braso.
"Kailan ka pa natutong bumanat, blueberry cheesecake ko?"
Tinignan nanaman niya 'ko nang parang na-wi-wirduhan at pinitik sa noo.
"Saltik ka talaga. Ang sabi ko ikaw, anong gusto mo? Pinagsasabe mong bumabanat d'yan?"
Bahagyang nawala yung ngiti sa labi ko at ngumuso. Akala ko naman bumanat siya! Okay, ako na ang feelingera.
"Akala ko naman.. Nevermind na nga lang!"
Inagaw ko yung cart sakanya at nagsimula nang maglibot libot at dumampot ng kung anu-ano.
Matapos namin kumuha ng mga bilihin ay pumila na kami para magbayad.
"Bakit ka nakasimangot?" tanong niya
"Huh? 'Di naman ah." umiwas ako ng tingin sakanya at ibinaling iyon sa pila.
"Kanina mo pa 'ko hindi kinikibo."
"Kinakausap na kita ngayon."
Kumunot ang noo niya pero iniwas ko ulit yung tingin ko.
Kinuha namin yung mga pinamili at naglakad na papunta sa apartment niya. Naramdaman ko na nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Bahala siya titigan ako!
"Galit ka e." sabi niya ulit sa akin.
"Hindi nga" Hindi talaga siya titigil, hindi naman ako galit, naiinis lang!
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?