Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
You never think that the last time is the last time. You think you have forever, but you don't
~❤️~
QUIN
"I don't get it. Hindi rin pala mapupunta sa'yo si Keen, sana sa akin na lang siya bumagsak." Napatigil ako sa paglalakad at tinignan si Adira na kumakain ng icecream habang nag-ce-cellphone. "—What?" tanong niya sa akin nang makita niyang nakatingin na 'ko sakanya. Ngumiti ako at umiling kaya tinaasan niya 'ko ng kilay.
"Edi guluhin mo sila ni Shanin. Wala naman pumipigil sa'yo." Biro ko sakanya, makalipas ng isang linggo mula nung kumain kami sa McDo at pag nood namin sa event sa park, naging close kami ni Adira. Uhm not totally close pero nakakausap ko na siya ng maayos, 'yun nga lang maldita at mataray pa rin siya.
"May attitude ka rin 'no? Bakit ko naman sila guguluhin? Para maghiwalay sila tapos makuha mo ulit si Keen?"
Nagulat ako sa sinabi ni Adira kaya lumingon ulit ako sakanya at umiling.
"Hindi ganun ang ibig kong sabihin! Mali 'yang nasa isip mo, Adira. Saka, kung saan naman sila masaya, edi pabayaan na lang natin." Sabi ko sakanya, totoo naman yung sinabi ko pero itong si Adira ay ngumiti ng nakakaloko. Parang hindi pa siya naniwala sa sinabi ko.
"Okay" sabi na lang niya.
Habang naglalakad kami paputang cafeteria, biglang sumlpot sila Hadley at Blair at inilayo ako kay Adira. Nagulat ako sa ginawa nila kaya napabitaw ako ng wala sa oras.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sakanila.
"Ikaw! Anong ginagawa mo kay Quin? Binubully mo nanaman siya 'no?" dinuro duro siya ni Hadley kaya nagulat ako sa inakto niya at agad siyang nilapitan para awatin.
"Ano ka ba Hads! Hindi niya 'ko binubully."
"Eh ano? Bakit kayo magkasama?" tanong naman ni Blair
Nakatingin silang dalawa sa akin at parang anytime kakainin na nila ng buhay si Adira. Hindi ko alam kung matatawa ako sa rekasyon nila o ma-ta-touch dahil napaka protective nilang kaibigan. Simula nung na-brokenhearted ako naging over-protective na sila sa akin. Pakiramdam ko sobrang special ko tuloy.
"We're friends." Ngumiti ako sakanila pero nagulat silang tatlo sa sinabi ko.
"ANO?" sabay sabay silang tatlo na nagsalita at nag-react kaya nagpalipat lipat yung tingin ko sakanila.
"Excuse me, Quin. Since when did we start being friends?" maarteng tanong niya sa akin at nakapamewang pa siya.