Fifty Four

490 37 35
                                    

Chapter 54: Forget

  Underneath it all I'm held captive by the hole inside
I've been holding back for the fear that you might change your mind
I'm ready to forgive you but forgetting is a harder fight  -Little Do You Know


~❤️~

QUIN

The number you have dialed is out of reached please try again—

Pinindot ko ang end call at binalibag yung phone ko sa kama.

Bakit hindi ko siya matawagan? Hindi rin ako makalabas ng apartment dahil ayaw ako paalisin nila Hadley at Blair gawa ng pagkahimatay ko nung isang araw.

Pakiramdam ko na-coma ako ng isa't kalahating araw. Diretso daw akong tulog ng isang araw. Nag aalala tuloy ako, kumusta na kaya si Keen? Okay lang kaya siya? Aish bakit ba kasi ayaw ako paalisin nila Blair.

Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa kwarto nilang dalawa. Si Blair ay natutulog, samantalang si Hadley naman ay nanonood ng horror movie. Napangiti ako dahil pagkakataon ko nang makatakas!

Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha yung phone at handbag ko. Lumabas na ko ng kwarto at bumaba ng hagdanan.

Nang akmang bubuksan ko na yung pinto ay biglang tinawag ako ni Hadley.

"Ehem"

Napatigil ako at dahan dahang lumingon sakanya. Naka taas ang isa niyang kilay at naka cross arms pa sa akin. Huhu bakit ganyan siya? Nanay ko ba siya?!

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"S-Sa labas lang, m-magpapahangin hehe" napakamot ako ng ulo at tumingin sa gilid niya.

"Magpapahangin ka pero may dala kang bag? Ano yan fashion show?" sabi niya sa akin. Sinimangutan ko naman siya.

"Pupuntahan ko lang si Keen, sige na Hads, please?" nag pa cute ako sakanya para makumbinse pero binigyan niya lang ako ng tingin na parang nandidiri pa siya sa ginawa ko. Ang cute ko kaya!

"Hindi gumagana sa akin yan Quin."

"Eeeh! Samahan mo na lang ako kung nag aalala ka sa akin. Ayiee nag aalala kayo 'no kaya ayaw niyo 'ko paalisin?" kumapit ako sa braso niya at kiniliti siya sa tagiliran pero hindi pa rin umepekto dahil wala siyang kiliti! Manhid 'tong babaeng 'to!

"Nanonood ako! Kay Blair Witch ka na lang magpasama."

"Pero tulog si Blair, paano niya 'ko masasamahan?" nagkibit balikat siya at umakyat papunta sa kwarto niya para kunin yung laptop niya, bumaba rin siya at nagsimula nang manood sa sala. Napaka mean talaga! Mas pinili pa yung panonood niya kaysa samahan ako! Ang sakit sa puso ah. Bestfriend ko ba talaga siya?!

Umupo ako sa sofa at nagmuni muni. Paano kaya ako makakaalis?

Alam ko na!

Idi-nial ko 'yung number ni bro-in-law para tanungin siya kung kumusta na si bebe Keen ko. Magpapasundo rin ako sakanya para hindi na makatanggi sila Hadley.


"Quin."

"Hi bro-in-law! Kumusta ka na? Kumusta si Keen?" tanong ko kay Kiel sa kabilang linya. Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik. "Hello?"

Nakarinig ako ng malalim na paghinga kaya nagtaka ako. Umiiyak ba siya?

"Uy, okay ka lang ba? Umiiyak ka ba?"

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon