Chapter 35: Icecream
Delight of love keeps going, however, a minute. The torment of love endures forever.
~❤️️~
KEEN
"Gusto mo ba ng water?" tanong ni Adira sa akin habang naka taas yung hawak hawak niyang tubig na nakalagay sa cup.
"Ayoko." Tugon ko. Nag kibit balikat siya at inihagis bigla yung hawak hawak niyang tubig sa may gilid niya kaya nabasa sila Liam habang kumakain.
Isa rin 'tong may saltik.
"Ano ba yan! Mukha ba kaming basurahan?"
Nagpunas si Jaze ng braso niya samantalang sila Cameron ay tinatawanan siya. Paano siya yung pinakanabasa.
Umirap si Adira at hindi siya pinansin.
"Hindi ka pa rin nagbabago Rhau." Biglang sabi ni Liam
"Anong pake mo?" lumipat si Adira sa kabilang side ko para lumayo kela Liam.
Ang bi-bitter naman ng mga 'to. Kung hindi nila tanggap na hiwalay na sila, bakit hindi na lang sila magbalikan? 'Di yung nadadamay pa 'ko sa kagaguhan nila.
Teka, bakit parang wala si Saltik at Sigrid? Kanina lang nandito silang dalawa.
"Let's take a pic, Keen!" itinaas ni Adira yung phone niya at itinutuok sa aming dalawa.
Pagkalingon ko sa phone niya, bigla naman niya yun cinapture.
"Ang seryoso mo naman masyado! Try to smile, okay?"
Kahit labag sa kalooban ko ay ngumiti na lang ako ng konti. Wala akong panahon mag sungit sa isa pang ka-uri ni Quin. Pare parehas naman silang may saltik e.
Pero kakaiba yung pagkasaltik ni Quin. Siya lang yung nakakainis pero nakakatuwa.
"Woah! Tama ba yung nakikita namin?"
"Artista ba yan?!"
"Witwew! Chix!"
Naagaw nila Kiel yung atensyon ko kaya lumingon ako kung saan sila nakatingin.
Nagtama yung mga mata namin at halata sa kanya na kinakabahan siya. Kumunot yung noo ko at umiwas agad ng tingin.
What the fuck?
Ano yung suot niya?
Tangina bakit gan'un? Hindi naman yun ang suot niya kanina.
"So she likes competition rin pala. That girl is really something, isn't she Keen?"
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?