Chapter 43: Phone Call
Maybe I'm scared because you mean more to me than any other person. You are everything I think about, everything I want, and everything I need.
~❤️️~
QUIN
"Maupo ka nga d'yan!" utos sa akin ni Hadley
Naupo ako sa sofa at ganun din silang dalawa sa harapan ko. Magkatitigan kaming tatlo na parang loka loka hanggang sa magsalita silang dalawa.
"Sorry Quin!" napakurap ako ng ilang beses sa sinabi nila. Anong meron at nag-so-sorry sila sa akin? Nananaginip ba 'ko?
"Akala talaga namin nagpapantasya ka nanaman at nag-d-daydream dahil sa mga napapanood mong kdrama, malay ko ba na totoong kayo na talaga ni Keen?" sabi ni Blair sa akin.
"Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala, pero si Keen na nga mismo nagsabi kaya maniniwala na kami." Saad ni Hads.
Lumapit sila sa aking dalawa at niyakap ako.
"Uy sorry talaga ah? Wag na tayo mag FO." Halos matawa ako sa sinabi ni Blair habang yakap yakap ako. Ang sweet nila sa akin ah, ano kaya mga nakain nila? I'm so touched! ❤️️
"Okay lang 'yon, nagtampo lang ako kasi hindi kayo naniniwala sa akin. Pero okay na 'ko, matitiis ko ba naman kayo?" sabi ko sakanilang dalawa
"Ganyan mo kami ka-mahal. Infairness dalaga ka na talaga kaka 18 mo pa lang nung isang buwan tapos ngayon kayo na? How to be you po?" biro ni Hadley sa akin.
Kinwento ko sakanila lahat lahat ng nangyari sa Boracay, pati yung pag let go ni Jude tapos yung nakakainis na scene namin ni Adira, even yung madrama scene namin ni Keen hanggang sa kiss! At ang dalawang loka, kilig na kilig.
"Omg girl, first kiss mo yan! Pumoporeber oh!" hinampas ako ni Blair sa braso at ganun din si Hadley. Jusme pati ba naman sa pagkilig nila nasasaktan pa rin ako?
"Pero kawawa naman si Jude, bet ko pa naman siya." Sabi ni Hadley sa akin, tinignan ko siya gawa ng pagkagulat ko. Gusto ni Hads si Jude para sa akin?
"Baliw ka talaga Hads. Siguro kung si Jude ang una kong nakilala, siya yung magiging crush ko. Pero si Keen kasi talaga ka-born for you ko, meant to be kami, kami ang itinakda ni red string of fate. At isa pa, gusto ko rin na magkaron ng chance si Sigrid." Sabi ko sakanila.
Alam ko na deserve ni Sigrid na maibalik rin yung kung ano man ang nararamdaman niya. At alam ko na deserve din ni Jude ang kagaya ni Sigrid na papahalagahan siya at mamahalin ng lubos.
They both deserve each other, sana makita agad ni Jude 'yon. Knowing Sigrid, kahit na wala siyang sabihin alam ko na naghihintay lang siya. She is risking in love para sa taong gusto niya, sana hindi na sila masyado pahirapan ni red string of fate para happy ending na.
"Ako kaya, kailan ako magkaka boyfriend?" biglang tanong ni Hadley habang nakapangalumbaba.
"Pataasin mo muna grades mo!" sabat ni Blair kaya natawa ako. Pinaningkitan siya ng mata ni Hadley at sinamaan ng tingin.
"Hoy! Kaya nga ako nag aaral ng mabuti e, 'wag ka ngang moment wrecker witch." Sinamaan siya ng tingin ni Blair dahil sa pagtawag sakanya ng 'witch.' Naging bansag na tuloy kay Blair yung 'witch' gawa ng palabas na Blair Witch.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Novela JuvenilLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?