Chapter 34: Not in a Million Years 'daw'
That awkward moment when you think you're important to someone, and you're not.
~❤️️~
QUIN
"Ang tagal mo namang gumising."
Minulat ko yung mga mata ko at nakita ko namang nakatingin siya sa akin ng seryoso.
Nag punas ako ng mata ko at lumingon lingon sa paligid.
"Nasaan sila?"
"Malay ko, kakagising ko lang din."
Ibig bang sabihin, iniwan nila kami dito sa van?! Ang mean naman nila! Hindi man lang nila kami ginising.
Tumingin ako sa bintana at napagtanto kong nasa Boracay na nga kami. Omo!
"Omg nandito na tayo!"
Nagmadali akong tumayo kaya nauntog ako sa ceiling ng van. Napatingin sa akin si Keen at tinawanan ako. Shunga shunga Quin!
Sinimangutan ko siya at lumabas na ng tuluyan. Bahala siya d'yan! Nagtatampo pa rin ako sakanya, magsama sila ni Adira!
Naglakad lakad ako at nag selfie ng marami. Uwa! Ang ganda naman dito, puting puti nga yung sand at ang refreshing ng paligid.
Habang nag-se-selfie ako ay may dumaan na isang grupo kaya ibinaba ko agad yung phone ko, nakakahiya!
Mukhang kakatapos lang nila mag surfing at mag swimming. Ang gaganda ng mga babae at ang gugwapo ng mga lalake.
May isang lalakeng napatingin sa akin at sa laking gulat ko ay nilapitan niya ko.
"Hi miss" binigyan niya ko ng ngiti kaya nahiya rin akong ngumiti sakanya.
"Are you alone? You can join us if you want."
Umiling ako sa sinabi niya, ni hindi ko nga sila kilala paano ako sasama sakanila?
"Uh, sorry pero may mga kasama rin ako."
"Oh. Okay" ngumiti siya sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin. Aaminin kong ang gwapo niya pero hindi ko talaga siya kilala, mahirap ng magtiwala.
"By the way I'm Kurt." inilahad niya yung kamay niya para makipag shake hands.
"Quin." tugon ko. Nang akmang tatanggapin ko na yung kamay niya ay biglang may humawak nun at hinila ako palapit sakanya. Nilingon ko yung taong yun at nakita ko siyang masama ang tingin sa akin.
"Bakit ka nakikipag kamay sa kung sino sino?" nakakunot ang noo niya at bakas sa mukha niya ang inis ng sabihin niya yun sa akin.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Ficção AdolescenteLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?