Chapter 38: Movie Marathon
I want to be the girl who makes your bad days better, and the one that makes you say "My life has changed since I met her."
~❤️️~
QUIN
"Ano ba maganda unahin? Pili na kayo!"
Kasalukuyan kaming nasa iisang kwarto para mag movie marathon. At sa kasamaang palad, puro horror ang papanoorin namin.
"Wala na bang iba?" tanong ko kay Jaze.
"Wala na ayan lang talaga ang meron para no choice." Humagikgik siya ng tawa kaya nag pout ako at naupo sa tabi ni Sigrid.
"Kumalma ka Quin." Sabi sa akin ni Sigrid, tinignan ko naman siya.
"Paano ako kakalma kung puro ganyan yung palabas?! Mamaya bangungutin ako."
Sino bang hindi babangungutin kung yung palabas na papanoorin namin ay Autopsy of Jane Doe, Lights Out, at The Visit!
"H-Hindi lang naman ikaw ang babangungutin.. Hindi ka nag iisa Quin."
Nagkatitigan kami ni Sigrid at natawa. Para kaming baliw dito, hindi na maipagkakaila na soul sisters talaga kami!
"Tabi tayo matulog mamaya!"
"Sige, gusto ko yan Quin."
Pinlay na nila Jaze yung Autopsy of Jane Doe kaya nagsiksikan kaming dalawa ni Sigrid sa sofa. Ilang sandali ay pumasok si Keen kasama si Adira, hila hila pa siya ni Adira samantalang si Keen naman ay poker face lang.
Edi sila na ang magkasama!
Simula nung nangyari yung kagabi, hindi ko na pinansin si Keen. Bahala siya sa buhay niya! Kung si Adira yung gusto niya, edi okay. Magsama sila!
Kahit masakit sa part ko.
Itinuon ko yung atensyon ko sa palabas kahit na kinakabahan ako at hindi makapag concentrate ng maayos.
Ang creepy naman ni Jane Doe! Huhuhu
"Chix sana siya kaso patay na." sabi ni Kiel na nasa kanan ko, samantalang si Sigrid naman ay nasa kaliwa ko.
"Ang creepy kaya niya!"
"Maganda naman."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Kiel, maganda? Type niya si Jane Doe ganun? Waaah creepy talaga!
"Kinikilabutan ako sa sinabi mo!"
Natawa si Kiel sa sinabi ko kaya tinignan niya 'ko at pinisil sa pisnge.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?