Forty Eight

556 30 32
                                    


Chapter 48: Birthday Gift

  It's harder to leave with my heart on my sleeveThan to stay and just pretendOh, she knows me so well  like I know myself

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  It's harder to leave with my heart on my sleeve
Than to stay and just pretend
Oh, she knows me so well  like I know myself

-Ed Sheeran


~❤️~

QUIN

"Omg yung Euphemist!"

"Pa-picture naman, idol!"

"Kaklase ko siya sa physics eh!"

"Classmate ko 'yan!"

"Omg! Ang gwapo talaga nila"

"Swerte ni Quin!"

Hindi ko aakalain na ganito ang magiging entrance namin sa school. Hindi ko rin aakalain na magkakataong sabay sabay kaming papasok kaya nakaagaw atensyon pa kami!

"Ano 'yan, pinagusapan niyo bang sabay kayong lahat papasok?" bulong sa'kin ni Blair, nag kibit balikat ako at lumingon kela Liam.

"Anong meron? Bakit ang aga niyo pumasok at sabay nga naman kayong lahat?" tanong ko. Lumapit siya sa akin at bumulong. Napansin ko pang napatingin si Keen sa gawi namin kaya lumayo agad ako.

"May birthday surprise kasi tayong gaganapin." Sabi niya sa akin.

"Huh, sino may birthday?"

"Luh siya. FO na kayo ni Sigrid!" Sabat ni Jaze, hindi nag-si-sink in sa utak ko yung mga sinasabi nila hanggang sa sumigaw si Hadley

"Omg birthday pala ni Sigrid ngayon! Muntik na natin makalimutan."

Nanlaki yung mata ko at napatingin sa calendar ng cellphone ko. Oo nga birthday ni Sigrid! Wala rin akong naihandang gift!

"Ano bang gagawin natin?" tanong ko sakanila.

"Kakantahan natin siya bilang pasasalamat kasi siya yung number 1 fan natin kahit na mukhang monggoloid kami nila Jude noon at totoy days pa. Kaya mag ready ka na Quin! Kunin mo kay Jude yung kakantahin mo kailangan mo na yun aralin!" sabi ni Jaze.

"T-Teka! A-Ako ang kakanta?"

Tumingin silang lahat sa akin kaya napalunok ako. Ano nanaman ba ito at bakit biglaan?!

"Lahat naman tayo kakanta pero syempre ikaw at si Keen ang may pinakamaraming parte." Sabi ni Liam sa akin.

Nabunutan naman ako ng tinik sa mga narinig ko. Hindi naman kasi ako expert na singer! Hindi ko kaya i-memorize at aralin ang isang kanta sa loob ng ilang oras lang.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon