Fifteen

623 44 7
                                        


Chapter 15: Lockscreen

Use your smile to change the world, don't let the world change your smile.


~❤️~  

KEEN

"Long time no see bro." Tinapik niya yung braso 'ko habang ngingiti ngiti.

Binigyan ko siya ng masamang tingin pero ngumisi lang siya.

"Oh kakakita pa lang natin halos patayin mo na 'ko sa mga tingin mo, wala man lang bang bati rin pabalik d'yan?" pabiro niyang sabi sa akin.

Eh kung bangasan 'ko kaya siya?

Hindi ko siya pinansin at akmang maglalakad na palayo pero nakita ko si Shanin na papalapit sa amin.


"Kiel nand'yan ka lang pala." Tawag niya sa ungas, nang marinig 'ko yung boses niya tila ba napako ako sa kinatatayuan 'ko, lalo na nung nagtama yung paningin namin.

Nagulat siya nang makita niya 'ko pero ngumiti pa rin siya.

Yung ngiting dahilan kung bakit ako nahulog sakanya.


"Nandito ka rin pala Keen, long time no see."

Long time no see. Mag-iisang taon na rin nung huli kaming nagkausap at nagkita.

Hindi ko siya kinibo at nanatiling tahimik lang. Para saan pa ba at makikipag usap ako? Magsasayang lang ako ng laway.

Inakbayan nung ungas si Shanin at tinapik nanaman ako sa braso.

"Bro, gusto mo bang sumama sa amin kumain? Tara libre ko." Pag aya niya sa akin. Binigyan ko siya ng malamig na tingin at nginisian.

"Hindi ako tanga para gawin niyong third wheel. Ge mauna na 'ko." Naglakad na 'ko palayo sakanila hanggang sa marinig 'kong may tumawag sa akin.

"Keen!" Halos mahinto ako sa paglalakad nang marinig 'ko yung boses ni Shanin na tinawag yung pangalan 'ko, parang noon masaya pakinggan, pero ngayon nakakagago na lang.


Hindi 'ko na sila nilingon pa at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Wala naman na 'kong pakialam sakanila.

Pero tangina ba't sa dinami dami pa ng araw at sa lugar, kailangan pang magkaharap harap kaming tatlo? Lakas makagago eh.

Pumunta ako sa supermarket para bumili ng alak, yun naman talaga ang sadya 'ko dito.


Nang makabili na 'ko ng tatlong bote ng tequila, umalis na 'ko agad. Ayoko ng makasalubong yung dalawang 'yun. Nakakapanira ng araw.

Ang lakas pa ng loob nung ungas na yayain akong kumain kasama nila, tangina akala mo naman close kami. Gago pala siya eh.

Matapos ng paglalakad 'ko mula sa supermarket na halos katapat lang ng tinitirhan 'ko, napansin 'kong may kulay pink na bike sa gilid ng bakuran 'ko kaya naman agad akong tumungo sa loob.

Pagbukas 'ko ng pinto, bumungad sa akin 'yung isa pang panira ng araw 'ko.


"Oh hon nakauwi ka na pala, nagluluto ako ng dinner natin!" tinignan niya 'ko habang nakangiti samantalang sinamaan ko naman siya ng tingin.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon