Chapter Six: A Little Too Much
People will notice the change in your attitude towards them, but won't notice their behavior that made you change.
~❤️~
QUIN
"Quin buksan mo nga 'tong pinto"
Katok ng katok sila Blair sa pinto ko dahil kagabi pa ko hindi lumalabas at kumakain. Naka lock rin yun kaya naman hindi talaga sila makapasok.
Hindi ko sila pinagbubuksan at pinagtatabuyan ko sila palagi.
Naiinis ako sa sarili ko. Ayoko ng lumabas, ayoko na ring pumasok.
Simula nung malaman ko yung type ni Keen sa isang babae, lalo lang nanliit ang tingin ko sa sarili ko. Naalala ko nung crush ko si Kiel, ang ganda ng babaeng gusto niya, si Shanin. Kumpara naman sa akin na sobrang plain lang.
Tapos si Adira
Ugh! Bakit ba na-iinsecure ako sakanila?
Napatalukbong ako ng unan at nag-iiyak. Nakakainis naman, bakit kasi ganito ako.
Ilang sandali lang ay nabuksan na nila Hadley yung pinto ko, hawak hawak nila yung duplicate ng susi ko at tinignan ako.
"Ano bang nangyayare sa'yo?" tanong ni Hadley pero hindi ko sila pinansin
"Gusto kong mapag isa, iwan niyo na lang ako"
Pero lumapit lang sila at umupo sa kama ko, tumalikod ako at nagtalubong ng kumot. Hinila naman yun ni Hadley
"Ano ba kasi yun?"
"Anong ano yun? Kagabi pa kami katok ng katok pero hindi mo binubuksan, hindi ka pa rin kumakain kaya pwede ba, ano bang dina-drama mo d'yan? May bagsak ka ba? Nabasted ka ba?" dire diretsong tanong ni Hadley pero umiyak lang ako
Hinawakan naman ni Blair yung braso ko
"S-Si Keen"
Tumaas naman yung kilay ni Hadley
"Oh bakit yun? Siya ba iniiyakan mo? Saan ba lamay?" sinabunutan naman siya ni Blair sa sinagot niya
"Hads naman kahit kailan yang bunganga mo" sabi ni Blair sakanya
Tinignan nila 'kong dalawa
"T-Tulungan niyo 'ko"
"Saan naman?" tanong ni Blair habang hinihimas himas yung braso ko para tumahan na 'ko sa pag iyak.
Bumangon ako sa kama ko at hinarap sila
"Gusto 'kong baguhin yung sarili ko" kumunot yung noo ni Blair at tinignan ako ng nagtataka ni Hadley "—guys gusto kong baguhin yung sarili ko, yung pananamit ko, yung ako mismo"
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?