Sixteen

672 37 17
                                        

Chapter 16: Pokemon and 7 dragon balls.

It is not how much we have, but how much we enjoy, that makes happiness

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It is not how much we have, but how much we enjoy, that makes happiness. -Charles Spurgeon

~♡~

QUIN

"Huy gumising ka na nga."

Nagising ako dahil may tumatapik sa braso ko, pag dilat ko halos mag puso yung buong paligid 'ko. Ang gwapo naman ng umaga 'ko. <3

"Good morning hon!" nginitian ko siya pero kinunutan niya 'ko ng noo.

"Bumangon ka na nga." Sabi niya sa akin pero hindi 'ko siya pinansin at nagtalukbong ng kumot. Wala man lang good morning too? Hmp.

Narinig 'ko naman na napamura siya ng mahina, hula 'ko nag-p-pms nanaman siya.

"Bumangon ka na, puyat ka ba? Nakahanap ka ba ng pokemon at yung pitong  dragon ball?"

Napamulat ako, dragon ball what? Anong pinagsasabe ni bebe Keen ko? Lasing ba 'to?

Bumangon ako at tinitigan siya ng may halong pagtataka.

"Ano yun? Di 'ko gets." Ngumisi siya at hinagisan ako ng twalya pampaligo. Lumapit din siya sa'kin para i-abot 'yung bag 'ko.

"Saan mo nakuha 'to?" tanong 'ko sakanya.

"Bigay nung dalawa mong kaibigan, dumaan sila kanina. Nandyan na daw lahat ng kailangan mo." Binuksan 'ko yung bag at nandoon yung toothbrush, personal needs at yung damit na susuotin 'ko. Mahal na mahal talaga ako ng mga kaibigan 'ko hihi.

Lalabas na sana si Keen ng kwarto pero tinawag ko siya.

"Teka, ano muna yung pokemon at pitong dragon ball?" Pero imbes na sagutin ako ay nagkibit balikat lang siya at tuluyan ng lumabas ng kwarto, samantalang ako clueless pa rin.

-♡-

Matapos 'kong maligo at mag ayos, lumabas na 'ko ng kwarto. Nakita 'ko na nakaupo si Keen sa sofa at mukhang hinihintay niya 'ko habang nakasimangot.

"Ang tagal mo." Tinignan niya 'ko ng masama pero nginitian 'ko siya.

Lumabas na siya ng bahay kaya sumunod ako sakanya, sumakay siya ng motor at tinignan ako.

"Tatayo ka na lang ba d'yan?"

Mabilis naman akong lumapit sakanya pero nag aalangan pa rin akong sumakay.

"N-Nakapalda ako." Tinignan niya yung suot 'kong palda kaya napabuntong hininga siya, halata na naiinis nanaman siya.

Huminga ako ng malalim at sumakay na lang sa likod niya.

"Sige na paandarin mo na." wala naman akong choice, ayoko naman na mainis lang siya sa akin.

Nung una ay nag alangan siya pero inabutan niya ako ng helmet na kulay pink.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon