Fifty Six

491 35 10
                                    

Chapter 56: All I Ever Wanted

She didn't need to be fixed, just loved

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

She didn't need to be fixed, just loved.


~❤️~

QUIN

"Ma-le-late na 'ko!"

Nagmadali akong isinuot 'yung medyas ko at dali daling bumaba ng hagdanan. Pati mismo si Hadley ay nataranta sa kilos ko at nagmadaling bumaba para sumakay na sa kotse.

"Hindi ka kasi nagsabi na maaga pala pasok mo! Ayan tuloy ma-le-late ka!" sabi ni Hadley sa akin habang nagsimula nang mag drive, nagpaiwan si Blair dahil mamaya pa daw hapon yung klase niya.

Kinalikot ko yung bag ko at naglabas ng notes.

"Midterm exam namin ngayon! Hindi ako nakapag review!" nag-pa-panic kong sabi. Tumingin sa akin si Hadley mula sa front mirror at tinaasan ako ng kilay.

"Oh e ano gagawin ko? Inom pa Quin, inom pa." sarkastiko niyang sabi. Napakagat naman ako sa labi ko habang nagbabasa ng notes ko.

I can't believe na nag-c-cram ako! Kahit kailan hindi ko pa na-try mag cram. Ganito pala ang pakiramdam. Shocks, ang sakit pa ng ulo ko gawa ng hangover ko.

Nakakainis! Ang tanga tanga ko talaga.


"Nandito na tayo." Sabi ni Hadley sa akin, nagulat pa 'ko dahil parang ang bilis namin makarating sa school. Kinabahan tuloy ako, wala pa ngang pumapasok sa utak ko. Sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak sa sobrang sakit.

Broken hearted na nga 'ko pati ba naman ulo ko masakit pa? Pati rin ba naman grades ko idadamay ko? Ano bang nangyayari sa akin?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nagmamadaling maglakad papunta sa room namin. Nakasalubong ko pa sila Jude at Jaze.

"Uy Quin! Midterm exam ng mga CS ngayon, good luck!" sabi sa akin ni Jaze. Tumango na lang ako bilang tugon dahil pakiramdam ko walang saysay yang good luck niya.

Nakahalata si Jude na wala ako sa sarili ko kaya may inabot siya sa akin na inumin.

"Drink it, Quin. Do your best." Tinapik niya 'ko sa balikat ko sabay gulo sa buhok ko, just like the old times..

"T-Thank you." Ngumiti siya sa akin at nauna na silang umalis. Tinitigan ko yung binigay niyang inumin, ang nakalagay ay 'Moo' kung nasa katinuan ako baka natawa ako. Imagine, umiinom pala si Jude ng ganito? Ang cute.

Nilagay ko muna sa bag ko yun at pumasok sa classroom namin. Inasar ako ng mga kaklase ko na kesyo pakopya daw, pabuhat sila. Kung alam lang nila, baka ako pa dapat ang magpabuhat sakanila. Ni isa wala akong na-review!

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon