One

1.6K 72 8
                                    

Chapter One: Imagination

We don't meet people by accident, they are meant to cross our paths for a reason

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

We don't meet people by accident, they are meant to cross our paths for a reason.

~♡~

QUIN

"Sigurado ka ba dito? Mamaya mahuli tayo eh. Malapit na kaya mag 9 pm!"

Singhal ko sa kaibigan kong si Hadley. Simula ng nanalo si Duterte, nagkaroon na ng curfew yung mga minor-de-edad, kagaya namin na 17 pa lang. Kaya nga bago pa mag 9, niyayaya ko ng umuwi yung dalawa kong kaibigan na si Hadley at Blair. Nag-re-rent lang kasi kami ng apartment.

Kaso itong mga loka lokang 'to, masyadong pasaway! Nag-aya ba naman mag bar, kala mo naman mga umiinom, eh pagkain lang naman ang gusto nila dito sa Mint.

Sinimangutan ako ni Hadley

"Quin naman ang kj mo! Ano ka ba may fake I.D naman akong pinagawa para sa ating tatlo"

Kinuha niya sa bag niya yung fake I.D at winagayway pa sa mukha ko. Kinuha ko yun para makita kung totoo nga.

"Illegal 'to ah! Loko ka talaga Hadley! Saan mo naman 'to pinagawa?"

Inirapan niya ko at nag sip ng konti doon sa juice niya.

"Pinagawa ko sa gilid ng school natin. Ang galing ko no?"

Bago pa man ako magsalita ay sinalampakan ako ni Blair ng nachos sa bibig. Bastusan naman!

"H'wag na kasing mag react, mag enjoy na lang tayo! Tsaka may banda na tutugtog dito, malay mo rin matagpuan mo na yung Kevin ng buhay mo"

Sabi naman sa akin ni Blair habang kumakain ng nachos, nag appir-an naman silang dalawa ni Hadley. Edi sila na magkasundo!

Pero sa bagay may point din naman si Blair, baka nga makita ko na yung Kevin ng buhay ko dito!

Tsaka minsan lang naman 'to eh.

Sabi nga ng karamihan, for once in your life, learn to break rules for your own happiness.

O'diba bongga!

Sorry po president Duterte!

Sorry mommy and daddy.

But this night is mine!

-♡-

Kanina pa kami picture ng picture dito, bawat anggulo ata may pictures kami. Napansin rin namin na pinagtitinginan kami ng mga lalake sa kabilang table.

Parang ka-age lang namin sila o mas angat pa ng konti.

Yung isang lalake lumapit sa amin.

Kinilig naman yung dalawa at ginitgit ako sa gitna. Nako! Ang lalande!

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon