Five

749 47 9
                                    

Chapter Five: Ligaw

Sometimes words are not enough to make someone feel that you care for them

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sometimes words are not enough to make someone feel that you care for them. Sometimes it needs a little effort.


 ~❤️~

QUIN


Nag iwan ako ng note sa mesa kasama ng niluto kong almusal para kay Hadley at Blair, tulog pa kasi silang dalawa. Gumising ako ng maaga para mag bake ng cookies, ibibigay ko ito kay Keen para naman mas lalo na siyang ma-inlove sa akin. Hihi

Nilabas ko yung kulay pink 'kong bike para hindi na 'ko mag commute. Hindi naman kasi kalayuan ang school sa apartment na ni-rent namin.


"Good morning kuya!"

"Uy good morning Quin"

Binati rin ako ni kuya Jeff, siya yung guard namin dito sa school, mabait siya at kalog din kahit ma-edad na.

"Mukhang maganda ang umaga natin ah, ang aga mo rin. Mukhang nauna ka pa gumising sa dalawa mong kaibigan"

Nginitian ko naman si kuya at tinanguan

"Opo, ganun po kasi kapag tinamaan ni kupido" napatawa naman si kuya at biniro ako.

"Sino naman 'yang maswerteng lalake?"

Nginitian ko ulit siya at pinark saglit yung bike ko

"Si Keen po" nagulat naman siya ng sabihin ko yung pangalan ni Keen, mala Voldemort ba pangalan niya? He-who-must-not-be-named ba?

"Diba yun yung kinakatakutan ng mga estudyante dito? Aba ineng bully daw 'yun ah" Halata naman sa boses ni kuya Jeff na nag aalala siya kaya naman umiling ako.

"Kuya, naniniwala po kasi ako sa kasabihang, love changes everything" kinindatan ko si kuya Jeff kaya naman napailing siya sa akin at napangiti na rin.

"Ikaw talagang bat aka, o'sige, gawin mong good boy yang Kevin mo" O'diba fan rin si kuya ng SamVin sa Born for You! Kaya close kami eh.

"Sige po kuya, talagang magiging good boy yan!"

Bad boy talaga ang tingin nila sa Keen ko, kawawa naman yung bebe ko. Di bale, magiging good boy ka rin.


Dumiretso ako sa tambayan ko, which is, tambayan na rin niya pero wala akong nakitang Keen doon. Kung sa bagay maaga pa naman talaga, baka nga kakagising pa lang nila Hadley ngayon.

Inilabas ko sa bag 'ko yung pink pad ko at sinulatan yun ng Have a nice day Keen!

Itinupi ko yun at inilagay sa damuhan, ipinatong ko rin doon yung baunan ko na kulay pink na laman yung cookies na ginawa ko. At meron pa, nilagay ko rin doon si domo na keychain.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon