Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I was lost within the largest ocean, I was buried beneath the darkest deep. Of all the riches and the simple fortunes, you braved the depths for me.
-Marie Hines
~❤️~
QUIN
"Ano nang nararamdaman mo ngayon anak? May masakit ba sa'yo?"
Hindi siya pinansin ni Keen at nanatiling nakatingin sa ibang direksyon. Tignan mo 'to, pati sa mommy niya ang sungit sungit niya!
Pilit na ngumiti si mom—tita
"Gutom ka ba? May dala akong pagkain para sa'yo, kung gutom ka kumain ka lang." nag-initiate pa rin yung mommy ni Keen pero hindi talaga siya nito pinapansin. Napansin kong lumungkot yung itsura niya at bahagyang lumingon sa akin.
"Ikaw hija baka nagugutom ka na. Ilalagay ko na lang dito yung dala kong pagkain." Inilapag niya sa maliit na lamesa yung dala niyang pagkain at nginitian ako.
"Ikaw na bahala sakanya." Pabulong niyang sabi sa akin.
"H'wag po kayo mag alala tita, gusto po ni Keen kumain pabebe lang siya. Sige po ako po ang bahala sakanya." Ngumiti ako ng malawak at ganun din ang ibinalik sa akin ni mom—tita bago tuluyan lumabas ng kwarto.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Keen na nakakunot na ang noo habang nakatingin sa akin.
"Kailan pa kayo naging close?"
Nag-kibit balikat ako at ngumiti
"Secret, walang clue!" pabiro kong sabi pero kumunot lalo yung noo niya. Sungit nanaman! "Ang sungit mo! Kanina ang sweet sweet mo na eh!"
"Tss"
Ngumuso ako at umupo sa dati kong pwesto. Tinitigan ko siya at nakahalata naman siya kaya tinignan niya rin ako.
Magkatitigan kami ng ilang segundo kaya nagsalita na 'ko. Alam ko naman na hindi ako mananalo sakanya.
"Galit ka pa rin ba sa mommy mo?"
Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin.
"Sa nakikita ko kasi sobra ang pag aalala niya sa'yo lalo na nung naabutan ko siya sa labas ng operating room."
Umiwas siya ng tingin at isinandal ang kanyang ulo sa unan na nakasuporta sa likod niya.
"If she truly cares for me, then why did she leave?"
Bakas sa tono ng boses niya yung lungkot at pati sa mga mata niya yung matagal ng hinanakit na nasa loob niya.