Chapter Thirteen: Why
Sometimes you fall down because there's something down there that you're supposed to find.
~❤️~
QUIN
"Sample naman d'yan Quin."
Ngumuso ako dahil kanina pa nila 'ko kinukulit para mag perform. Alam ko na daw kasi tumugtog ng gitara kaya gusto raw nila akong marinig kumanta habang naggigitara.
"N-Nahihiya kasi ako." Totoo naman na nahihiya ako, first time 'kong tutugtog habang kumakanta kaya naman kinakabahan din ako.
"Bawal ang mahiya Quin, ikaw ang lead vocalist remember?" Tinignan ko si sir Matt nang sabihin niya yun kaya naman nginitian niya 'ko.
Nilingon 'ko rin sila Cameron, Jaze, Liam at Jude kaya naman tinanguan nila 'ko at nginitian din.
"Sige na nga."
Huminga ako ng malalim at tumayo sa kinauupuan 'ko, kinuha 'ko naman 'yung pink na gitara 'ko at pumwesto sa mini stage.
Chineer naman nila 'ko at binigyan ng thumbs up.
Kaya mo 'to Quin. Ilang gabi ko rin 'to pinagpuyatan, isipin mon a si Keen ang nagturo sa'yo ng lahat ng 'to kaya hindi ka pwede magkamali. Aja!
Huminga ako ng malalim at sinimulan ng i-strum 'yung gitara 'ko.
🎶There's something about you the way you move, the way you look at me. There's something about the way you see things it's like a change of scenery 🎶
Tinignan ko si Keen pero hindi siya nakatingin sa akin, may nakasalpak rin na earphones sa magkabilang tenga niya kaya naman napahinto ako sa pagkanta.
"Keen!" nagulat silang lahat sa pagsigaw 'ko kaya tumingin silang lahat sakanya. Busy pa rin siya sa paglalaro sa cellphone niya kaya tinapik siya ni Cameron.
Tumigil siya sa paglalaro at tinignan si Cameron at itinuro ako. Nang lingunin niya 'ko ay kumunot ang noo niya.
"Bakit?"
"Anong bakit? Pakinggan mo 'ko kumanta! Para sa'yo 'to."
Natawa silang lahat sa sinabi ko pero masama pa rin ang tingin sa'kin ni Keen, aba hindi pwedeng hindi siya manood sa performance ko!
Inulit 'ko ulit 'yung kanta pero this time sinigurado 'ko na nanonood na siya.
🎶Cause everything about you I just want more of. But don't get any closer if this will last a little longer, there's a chance I'll find myself saying.🎶
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?