Fifty

487 34 21
                                    

Chapter 50: Scared

She's scared to get close to anyone because everyone who promised they would stay, turned their backs and walk away

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

She's scared to get close to anyone because everyone who promised they would stay, turned their backs and walk away.


~❤️~

QUIN

"Sige na! Pumayag ka na sa invitation ni Kiel!" pag kulit ko sakanya.

"Ayoko."

Kanina ko pa siya kinukulit na pumunta sa bahay nila para naman makilala ko ng lubos si momm—tita at nang magkabati na rin sila. Pero 'yun nga lang, kanina pa rin ako tinu-turn down ni Keen. Nag-aya kasi ng dinner si Kiel sa amin, syempre gusto ko naman.

"Ang KJ mo! Ayaw mo ba 'kong ipakilala sa mommy mo?" tinignan niya 'ko kaya sinimangutan ko siya. "Ayaw mo ba akong ipakilala bilang girlfriend mo?" dugtong ko.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sakanya.

"Okay, sige ikaw bahala."

Nagbasa na lang ulit ako ng libro para malibang. Ayoko ng makipagtalo sakanya, sure naman ako na ako lagi ang talo. Nakakatampo lang kasi legal kami sa side ko pero sa side niya ni-hindi niya 'ko mapakilala. Alam ko na hindi sila okay ng mommy niya, pero kahit na! Iba kasi sa pakiramdam lalo na kapag pinapakilala ka sa magulang, especially sa aming mga girls. Eh basta!

"Are you mad?" heto nanaman tayo, sincere nanaman ang boses niya kaya matutunaw nanaman ako.

"Hindi." Tipid kong sagot sakanya.

Nakatitig pa rin siya sa akin kaya ako na ang unang umiwas ng tingin.

"You're cute when your mad."

Namula ako kaya sinamaan ko siya ng tingin, natawa naman siya kaya hinampas ko siya sa braso gamit ng librong binabasa ko.

"H-Hindi effective! T-Tumigil ka nga K-Keen!"

Tawa pa rin siya ng tawa kaya pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng kumakain din sa canteen, ang dami pa naman nila dahil lunch break.

"Sige, may klase pa 'ko." Tumayo ako sabay kuha ng bag ko at nagsimulang maglakad paalis sa canteen. Sumunod naman siya pero hindi ko siya pinapansin.

Habang naglalakad kami, ramdam na ramdam ko na nakatitig lang siya sa akin kaya hinarap ko siya. Ngumiti naman siya nang magtama yung mga mata namin. Shocks, ang gwapo! Ngiti ngiti pa siyang nalalaman d'yan, nawawala tuloy agad yung tampo ko.

Nang makarating na kami sa harap ng classroom ko ay nagpaalam na ko sakanya. Pero bago pa man ako makapasok sa loob ay hinawakan niya yung kamay ko sabay hila sa akin.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon