Thirty Seven

547 39 35
                                    

Chapter 37: Truth or Dare?

Hurt me with the truth but never comfort me with a lie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hurt me with the truth but never comfort me with a lie.

~❤️️~

QUIN

"Ano Quin, sinuot mo ba 'yung nilagay ko sa maleta mo?"

Tumawa si Blair matapos niyang sabihin 'yun. Naka skype kami at kasama niya si Hadley na kumakain sa tabi niya.

"Una pa lang na pagkakita ko doon, alam ko na ikaw na ang naglagay nun!"

"Alangan naman si Hads? Alam mo namang pagkain ang hilig nito."

Napatigil si Hadley sa pag kain at siningkitan ng mata si Blair.

"Hoy maganda ang taste of fashion ko! Tigilan mo 'ko Blair."

Hindi siya pinansin ni Blair at patuloy lang na nakipag usap sa akin, bwahahaha kawawa naman si Hads. Bleh.

Nagpaalam na rin sila agad dahil manonood pa daw sila ng sine, ang dadaya nila! Maggaganun sila kung kailan wala ako.

Inilapag ko yung cellphone ko sa ibabaw ng drawer at tinignan si Adira na nakahiga sa kama habang may nakalagay na pepino sa dalawa niyang mata.

"Arte" bulong ko. Nagulat naman ako nang magsalita siya.

"What did you say?" tanong niya habang may nakalagay pa rin na pepino sa kanyang mata pero kitang kita na nakakunot yung noo niya.

"Wala."

Bago pa kami mag war ni Adira, pumasok si Sigrid kaya halos makahinga ako ng maluwag dahil hindi ako nagtagal na kasama si Adira sa iisang kwarto.

"Buti naman Sigrid nandito ka na—teka, bakit mugto yang mga mata mo? Umiyak ka ba?"

Iniwas ni Sigrid yung tingin niya at nagkalikot sa mga gamit niya.

"H-Hindi, napuwing lang ako."

Hindi na 'ko nagsalita dahil ramdam ko na iniiwasan ni Sigrid yung topic. Alam ko naman na hindi siya napuwing, meron bang napuwing na mugto ang dalawang mata? Take note, namamaga maga pa. Tell me, paanong napuwing 'yun!?

Kaysa kulitin ko si Sigrid na mag open sa akin, niyakap ko siya bigla at hinagod yung likod niya.

"Alam mo Sigrid, kung ano man yang problema mo at ayaw mong sabihin sa akin. Ayos lang, basta lagi mong tatandaan na willing akong pakinggan ka kapag kailangan mo ng mapagsasabihan ng problema mo. Magkaibigan tayo e, diba?"

Kumalas si Sigrid sa yakap ko at napakagat ng labi, hala! Naiiyak siya! Imbes na ma-comfort ko siya bakit parang mapapaiyak ko pa?

"Hala Sigrid 'wag kang iiyak!" napatawa siya habang pinunasan agad yung luha niya.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon