Chapter 46: LRT
When I saw you in that dress, looking so beautiful.
I don't deserve this, darling, you look perfect tonight.-Ed Sheeran
~❤️~
QUIN
"Sigurado ba kayo mom, dad, hindi na kayo magpapasama sa airport?" tanong ko sakanila
"Hindi na, kaya na namin ng daddy mo 'to." Niyakap ako ni mommy at hinalikan naman ako sa noo ni daddy.
"Always take care, anak. Be good." Sabi sa akin ni daddy.
"I love you sweetie."
"I love you too mom. Ingat po kayo sa flight niyo"
"We will, pakamusta na lang kay Keen."
"Opo dad."
Sumakay na sila sa kotseng nirentahan nila sa uber samantalang ako ay kumakaway sakanila. Ganun din sila Blair at Hadley na nasa tabi ko at kumakaway.
Habang palayo yung kotse, hindi ko mapigilang hindi malungkot. Ilang taon nanaman bago ko sila muli makikita. Baka ang sunod na balik na nila dito ay graduation ko pa. Ayoko namang umiyak, dahil panigurado tatawanan lang ako nila Blair at Hads.
"Okay lang yan, Quin. We're here for you." Hinagod ni Hadley yung likod ko at inabutan ako ng panyo. Natawa si Blair sa ginawa niya kaya sinamaan ko sila ng tingin. Nahawa na ko kay bebe Keen ko sa mga ganung tingin.
"Wag kang malungkot, para naman sa'yo yun kaya nasa ibang bansa sila." Sabi sa akin ni Blair, ngumiti ako sakanya pabalik.
Pumasok na kami sa loob ng apartment at as usual, balik nanaman kami sa dati. Nag luto ako ng lunch habang silang dalawa ang taga tikim at audience ko.
"Okay na yan, approve na approve!" sabi ni Hadley sa akin, kahit kailan talaga saksakan ng katakawan 'to, halos lahat naman ata ng pagkain para sakanya ay masarap.
Matapos namin kumain ng tanghalian ay hinayaan ko na silang maghugas ng pinggan. Umakyat ako sa taas patungo sa kwarto ko at humilata sa kama.
Habang nag titingin ako sa facebook ay nakita ko yung post ni Shanin.
'With my Ki ❤️' tapos may picture silang dalawa. Ni-love ko naman 'yun at nag tingin pa ulit sa newsfeed ko.
Ilang sandali ay may nag pop na chat mula kay blueberry cheesecake ko kaya agad ko 'yun binasa.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?