Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Maybe I'm too late to be your first, but I'm preparing myself to be your last."
~❤️~
QUIN
🎶And I do want you know I'll hold you up above everyone... 🎶
"Teka parang may mali, medyo nawawala ka sa tono dito Quin." Nilapitan ako ni Liam at itinuro sa lyrics kung saan ako nawawala.
"Liam mukhang pagod na si Quin pagpahingain muna natin." Sabi ni Jude
"Sa bagay, sige magpahinga na tayong lahat pagod na rin ako." Sabi ni Liam kaya naman halos bunutan na ng tinik sila Jaze at Cameron.
Tinignan ko si Jude at kinindatan naman niya ko kaya nginitian ko siya.
Bukod kay Blair, savior ko din 'tong si Jude!
"Ito tubig Quin." Inabutan ako ni Jude ng tubig at tinanggap ko naman 'yun.
"Thank you Jude"
Ang bait bait talaga ni Jude sa akin. Alam ko naman na mabait lang talaga siya, kaya imposible yung sinasabi nila na gusto niya ko. Sobrang imposible talaga, tsaka hindi pwede! Crush siya ni Sigrid, kaibigan ko si Sigrid. Mukhang awkward nga pag ganun.
Pero erase! Hindi naman mangyayari yun kasi hindi naman niya ko gusto. Malisyosa lang talaga si Blair at Hads, ayan tuloy pati sila Jaze inasar na kami.
At tsaka may Keen na ko ❤️
Libre naman siyang angkinin kahit na hindi ko naman talaga siya pag-aari.
Umiling ako sa mga naiisip ko, hinanap ko si Keen kung nasaan siya nakapwesto sa loob ng music room, at ayun nakita ko siyang natutulog sa may sulok. Kahit saan ba talaga nakakatulog siya?
Nilapitan ko siya at umupo sa may tapat niya
Kahit tulog talaga siya, ang gwapo pa rin niya.
Napansin ko naman na may pasa siya sa gilid ng mata niya
"Nakipag-away nanaman." Bulong ko sa sarili ko
Ano kaya ang napapala niya sa pakikipag-away? At bakit ba siya nagkaganito? Hindi ko maintindihan kung ano ang dahilan kung bakit siya ganito.
Halata naman sa facebook niya na hindi siya ganito noon, nakangiti nga siya sa halos lahat ng pictures niya nung bata siya.