Chapter 52: I'm Okay
With all the smiles you brought me, i never thought that you could cause me so many tears.
~❤️~
KEENPa ikot ikot ako kanina pa sa labas ng ER. Magmula ng makatanggap ako ng tawag galing kay Clave, agad akong nagpunta dito sa hospital.
Lumabas ang doctor at agad naman tumayo si Kiel para harapin siya.
"Kumusta po siya, doc?" tanong niya. Umiling ang doctor kaya kinabahan ako sa mga sunod niyang sasabihin.
"Pasensya na ho, masyado ng kumalat ang sakit sa katawan niya. It's a colon cancer, stage 3. Kung mas maaga niyo siya dinala dito mas maaagapan ho ito."
Hindi nakasagot si Kiel at pati na rin ang tatay niya na nakikinig lang hanggang sa nagsimula ng lumuha. Naikuyom ko ang kamao ko at kinwelyuhan yung doctor.
"Anong pinagsasabe mong mas maaagapan kung dinala siya ng maaga? Gawin niyo ang makakaya niyo! Anong klaseng gagong doctor ka!"
Inawat ako nila Kiel pero tinabig ko ang kamay nila. Pumasok ako ng ER at nakita ko siya na nakaratay sa kama habang walang malay.
Lumapit ako sakanya at bahagya naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nang makita niya 'ko ay napahinto ako.
"K-Keen, a-anak." Itinaas niya yung kaliwang kamay niya at pilit akong inaabot. "—I, I'm s-sorry" may pumatak na luha sa mata niya kaya lumayo ako.
Tumalikod ako at lumabas sa kwarto niya, sumunod na pumasok ay sila Kiel.
Bakit ganito? Anong nangyayare?
Tangina ano 'to? Bakit bigla bigla siyang may sakit? Okay naman siya noon.
Lumabas si Kiel at hinawakan ako sa balikat.
"Bro, gusto ka makausap ni mama." Tinanggal ko at ibinagsak ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.
"Ayoko."
Tinitigan niya 'ko ng masama at kinwelyuhan
"Hanggang ngayon ba naman ganyan ka? Sa oras na 'to, magpapaka-selfish ka pa rin?"
Tinulak ko siya ng malakas at akmang susuntukin pero inawat kami nila Clave at Samuel.
"Tumigil nga kayong dalawa! Hanggang dito ba naman dala dala niyo yang kagaguhan niyo?" sabi ni Clave sa amin.
"Wala akong problema, baka siya." Sabi ni Kiel habang nakatitig pa rin ng masama sa akin.
Tangina wala silang alam. Ano bang alam nila sa nararamdaman ko?
Tumunog yung cellphone ni Clave at sinagot naman niya yun.
Tumalikod ako sakanilang lahat at nagsimulang maglakad. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag ako ni Clave.
"Pre! May kailangan kang malaman." Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad, sumunod naman siya. Tangina ano bang problema ng isang 'to?
"Keen, may kaila-- "
"Tangina naman lubayan niyo nga 'ko!"
Bago pa man ako makatingin sakanya ay sinapak niya 'ko sa mukha. Nagulat naman ako at tinitigan siya ng masama. Babawian ko na sana siya ng suntok pero nagsalita ulit siya.
"Tangina pre, gago ka ba? Yung girlfriend mo na-kidnap! Kung gusto mong makipagpatayan sa akin o sa kapatid mo, intindihin mo muna girlfriend mo."
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?