Thirty Nine

611 44 32
                                    


Chapter 39: Siguro

Chapter 39: Siguro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Let's flip a coin. Heads, you're mine. Tails, I'm yours.


~❤️️~

QUIN

Minulat ko 'yung dalawang mata ko sabay kuha ng phone ko na nakapatong sa desk na nasa tabi ng hinihigaan ko.

7:48 na ng umaga

Bumangon ako at tinignan si Sigrid na nasa tabi ko lang at mahimbing pa ring natutulog. Oo nga pala nagtabi kaming matulog gawa ng sobrang takot namin sa mga palabas na pinanood kagabi. Bakit ba kasi puro horror ang pinanood namin?! Buti na lang hindi ako binangungot.

Sa bagay, maganda naman talaga ang tulog ko.

"Sigrid, gising na. Mamamasyal tayo ngayon."

Huling araw na namin ngayon sa Boracay kaya naman susulitin na namin ito.

Bumangon na si Sigrid at nagsimula na kaming kumilos para maligo at mag ayos.


~~

"Quin mauna ka na sa labas hinahanap ko pa kasi yung relo ko."

Itinaas niya yung mga unan at kumot kaya nilapitan ko siya.

"Tulungan na kita" umiling siya at nag thumbs up.

"Okay lang Quin, mauna ka na sa labas. Isa pa, kanina pa may naghihintay sa'yo."

Binigyan niya ko ng mapanuksong ngiti kaya nagtaka ako. Naglakad ako patungo sa pinto para buksan iyon pero biglang sumulpot si Adira at inunahan akong buksan 'yun.

Nagtama yung mga mata namin kaya nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko.

"Hi Keen! Good morning." Lumapit si Adira sakanya at akmang kakapit sa braso nito pero inilagan siya ni Keen at dumiretso papunta sa akin.

"Ang tagal mo naman."

"Ha?"

Nakasimangot siya at halatang naiinis. Hala ano nanaman ginawa ko?

"Kanina pa kita hinihintay lumabas."

"A-Ako?" tinuro ko yung sarili ko samantalang siya naman ay nakatingin sa akin na para bang na-wi-wirduhan.

"Sino ba kausap ko? Ikaw diba? Tsk, halika na nga."

Hinawakan niya ko sa wrist ng kamay at hinila paalis. Nadaanan ko ng tingin si Adira pero inirapan niya lang ako. Ano rin problema ng isang yun?

"T-Teka, Keen. Bakit mo ba ko hinihila? Pwedeng dahan dahan lang sa paglalakad? Sasama naman ako sa'yo e."

Natigilan siya ng sandali at naglakad muli, pero this time mabagal na hindi katulad ng kanina na kulang na lang ay kaladkarin ako paalis.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon