Thirty One

565 37 8
                                    


Chapter 31: Just A Fan

Sometimes being strong means not just holding back the tears but letting them fall

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sometimes being strong means not just holding back the tears but letting them fall


~❤️~

JUDE

"Ang galing niyo kuya omg nakakakilig din si ate Quin at yung vocalist niyong lalake na gwapo!"

Pumapalakpak pa si Monica nang sinasabi niya sa akin yan, nang tignan ko siya ng walang ekspresyon ay naglaho ang ngiti niya at napakamot ng ulo.

"S-Si Cameron din ang gwapo niya! Oo tama kuya! At ikaw din syempre, ang galing galing mo tapos agaw pansin din!"

Napangiti ako sa sinabi niya at pinitik siya sa noo.

"Nambola ka pa parang kanina lang sinabi mo na si Keen at Cameron yung gwapo."

Ngumuso siya at biglang napatingin sa may bandang likuran ko, sinundan ko yung tingin niya at nakita ko si Moira na tumatakbo papalapit sa amin.

Binigyan ko siya ng ngiti at ganun din ang ginawa niya.

"Terrence, ang galing mo pala kanina!"

"Pati ba naman ikaw Moira binobola mo 'ko, parehas talaga kayo nitong si Monica."

Tinignan niya si Monica at itong kapatid ko naman ay nilapitan siya at niyakap bigla. Napakamot naman ako ng ulo sa ginawa niya.

"Hello po! Ako pala si Monica, ang napakagandang kapatid ni Kuya! Pero infairness ate, ikaw lang tumatawag ng Terrence sakanya ah." Nahiya naman si Moira sa sinabi ng kapatid ko.

"H-Hello Monica, ako pala si Sigrid. Nice meeting you." Ngumiti siya kay Monica at napatingin din bigla sa akin. "—Uhm Terrence.."

Tinignan ko siya at naghintay ng kanyang sagot, pero titig lang din ang ginawa niya.

Nagpalipat lipat ng tingin sa amin si Monica kaya naman nagsalita na siya.

"Ah sige kuya, ate Sigrid alis po muna ako, maglilibot lang saglit. Bye bye!"

"S-Sige, bye Monica." Sabi ni Moira sakanya

Kumaway siya sa amin pero hindi na ako nakapagsalita dahil mabilis siyang naglakad palayo, saan naman kaya pupunta yung kapatid ko na 'yun?

Binalik ko ang tingin ko kay Moira at nakita ko namang nakatingin din siya sa akin.

"Salamat pala sa pag suporta mo kanina, nakita ko kaya yung banner na hawak mo" biro ko sakanya, napansin kong namula siya kaya napangiti ako. Cute

"A-Ah k-kasi si Blair yung nagsabi na ganun yung ilagay." Nakatingin pa rin siya sa baba habang sinasabi yun kaya napailing na lang ako. Hanggang ngayon nahihiya pa rin sa akin si Moira, ilang buwan na kaming magkaibigan, minsan magkasabay pa kaming kumakain ng lunch kasama sila Quin pero she's still the same girl na nakilala ko.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon