Chapter Two: Life of the Party
There's no use trying to rush fate, because the best things in life are worth the wait.
~❤️~
KEEN
"Keen?"
Napamulat ako sa mga mata ko nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Tinignan ko siya na nasa harapan ko habang nakatayo.
Kumunot naman 'yung noo ko. Sino naman 'to?
"Sino ka?"
Tinanong ko siya pero nakatulala lang siya sa harap ko ng parang timang.
Umiling ako at tumayo, may natapakan naman akong mga papel kaya napatingin ako sa ibaba. Quin Angelle Minatozaki, never heard.
Tinignan ko ulit siya pero nakatingin lang siya sa akin, pucha ang creepy naman ng babaeng 'to, makalayas na nga.
Naglakad na 'ko paalis at ipinasok ko sa bulsa ng hoodie jacket ko yung dalawang kamay 'ko. Ilang sandali lang ay may sumigaw sa likuran ko.
"Sandali lang!" Tumakbo siya palapit sa akin kaya napatingin ang maraming tao sa aming dalawa "—Hindi mo ba 'ko natatandaan?" tanong niya
Tinitigan ko siya at sinuri ng maigi yung mukha niya.
"Hindi kita kilala"
Naglakad ulit ako at iniwanan siya.
Wala talaga akong maalala na nakita ko na siya o nakausap. Ano bang pake ko kung sakali ngang nakapag-usap na kami? Hindi ako interesado.
"Teka Keen nagkita na tayo kagabi lang, doon sa bar. Ako yung ka-red stri—este nakasagi sa'yo kaya natapunan ka sa damit mo"
Ah. Kaya pala gumising ako na amoy alak damit ko.
"Keen, ano, naalala mo na ba?" Hindi ko pa rin maalala pero alam ko na kung bakit mabaho ako paggising ko.
Hindi ko siya sinagot dahil wala ako sa mood makipag-usap, wala rin akong gana kausapin siya dahil hindi ako interesado sakanya.
Pero nakasunod pa rin siya sa akin at ayaw akong tantanan kaka tanong niya.
Ano whole name mo?
Saan ka ba pupunta?
May girlfriend ka na ba?
Ano, naalala mo na ba 'ko?
Bakit di ka nagsasalita?
Pansinin mo naman ako!
Keen, Keen, Keen!
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?