Chapter 22: Light And Dark
"Have you ever look at someone and thought, 'I really love you.' They're just talking or humming or watching a movie or reading a book or laughing or something, and there's something about them in that moment that makes you think 'I just really love you.' "
~❤️~
JUDE
"Kuya ano ulit sagot sa number eight?"
Nakatingin ako sa laptop ko at pinapanood sila Quin, Hadley at Blair na naka live sa facebook at kumakanta kanta habang tumatawa.
Ang kulit nilang tatlo nakakatuwa.
"Kuya! Hindi ka naman nakikinig."
Sana ganyan ka na lang palagi, nakangiti lang.
"Kuya!" sa sobrang gulat ko ay napatumba ako sa upuan gawa ng pagsigaw sa akin ng kapatid ko. Tinignan ko siya at nakita kong nakasimangot siya sa'kin.
"Bakit ka sumigaw?"
"Kasi naman kuya masyado kang space out, nagpapaturo ako sa assignment ko e!" napakamot ako sa ulo ko at umayos ng upo.
"Ano ba yun?" lumapit siya sa akin at ibinigay yung libro niya.
"Ah hindi ka kasi nag aaral mabuti" ngumuso siya sa akin at napakamot ng ulo. Napailing na lang ako at napangiti, naaalala ko si Moira sa kanya.
Matapos kong maituro sakanya yung sagot, tinignan niya yung laptop ko at pinakelaman iyon.
"Kuya, girlfriend mo?" sabi niya habang nakaturo kay Quin.
Sana nga e.
"Hindi, ka-banda ko lang."
Ngumiti siya ng malawak at pinakelaman ulit yung laptop ko. Bakit parang hindi ko gusto yung ngiting 'yun?
"Oy, anong ginagawa mo?" Hinarap niya ko ng nakangiti at nag peace sign.
Tinignan ko yung ginawa niya at nag comment siya sa live video nila Quin.
Hi Quin ang ganda mo! ❤️
Nanlaki yung mata ko at tinignan yung kapatid kong sutil.
"Monica!" tumawa siya habang may naka-form ng puso sa kamay niya.
Buburahin ko na sana yung comment na nilagay niya pero nakita kong sunod sunod na yung comment nila Jaze.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?