Thirty Six

531 34 16
                                    

Chapter 36: I'm Sorry

You hurt me more than what I deserve because I loved you more than what you deserve

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

You hurt me more than what I deserve because I loved you more than what you deserve.

~❤️️~

QUIN

Matapos ng pag iwas sa akin ni bebe Keen ko ay iniwan ko muna si Kiel at Sigrid para maglakad lakad at magpahangin.

Bakit ba ang sungit sungit sa akin ni Keen? Kung hindi naman ako sinusungitan, iniiwasan ako.

Parang si Jude.

Speaking of Jude, pakiramdam ko iniiwasan niya talaga ako. Simula nung sinabi niyang gusto niya 'ko at manliligaw siya, naging awkward na kami pero tinuturing ko pa rin naman siyang kaibigan. Pero bakit kaya niya 'ko iniiwasan? Ni hindi rin niya ako kinakausap na?

Hindi kaya tumigil na siya sa panliligaw?

Okay kung ganun.

Pero, bakit parang mali? Kung iiwasan lang din niya 'ko. Aish! Kaya ayokong may nagkakagusto sa akin na kaibigan ko at hangga't maaari ayoko ring nagkakagusto ako sa kaibigan ko.

It ruins a beautiful friendship.

"Tulala ka ata."

Nilingon ko kung saan nanggagaling yung boses at nakita kong nakatingin siya sa akin with that same smile nung nakilala ko siya.

"Jude!" tawag ko sakanya.

Speaking of the angel.. Angel kasi mabait siya.

"Bakit ang saya mo naman atang makita ako? Namiss mo ko ano Quin?" pabiro niyang sabi sa akin, pero hindi yung mahangin na matatangay ka na. Si Jude kasi yung tipo ng lalake na mahilig magbiro pero hindi siya nakakainis at hindi ka maiinis sakanya.

"Parang ganun na nga."

Tinignan niya ko kaya nahiya ako sa sinagot ko at umiwas ng tingin.

"H'wag kang ganyan, baka magbago isip ko na ipaubaya ka na sakanya."

Nagulat ako sa mga sinabi niya kaya agad akong napalingon ulit sakanya.

"A-Ano?"

He patted my head and gave me a meaningful smile.

"Ang sabi ko, hindi ko na kayo hahadlangan. Para saan pa? Alam ko naman kung saan ang hantong niyong dalawa, masyado lang mabagal yung isa." Pabulong na niyang sinabi yung huli kaya hindi ko yun masyado narinig.

"Ano ulit yung huli mong sinabi?"

Natawa siya at umiling.

"Hintayin mo na lang siya Quin. Basta maging masaya ka lang. Ayokong makitang iiyak ka ah, sige ka baka magbago isip ko."

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon