Twenty Six

555 36 9
                                    

Chapter 26: Blindfold

The truth? I like you, a lot. You make me happy, you make me laugh, you're smart,  you're different, you're a little crazy and awkward, and your smile alone can make my day.


~❤️~

QUIN

Nandito ako ngayon sa parlor dahil inaayusan ako para sa party ko mamaya. Sabi ko ako na lang mag aayos sa sarili ko pero ayaw pumayag ni mommy, wala daw siyang tiwala sa akin :(

"Tingin ka sa itaas hija." Sabi nung baklang nag aayos sa akin na friend ni mommy. Nilalagyan niya kasi ako ng mascara.

"Teka lang po." Sabi ko sakanya dahil katext ko si bebe Keen ko, nagtatype ako ng reply ko!

Pinipilit ko siyang pumunta sa birthday ko, pero mukhang ayaw niya.


Anong gagawin ko d'un?

Ayan ang sabi niya! Waah ang mean!

Keeeen! Sige na please punta ka na! Birthday ko naman, pagbigyan mo na ko. Future girlfriend mo ko no! Kaya dapat hindi mo yun ma missed! =(((

Send!


"Okay na ba hija?" tanong nung nag aayos sa akin.

"Ay sorry po, sige po." Tumingin ako sa taas at nilagyan naman niya ko ng mascara, hanggang sa mag vibrate yung phone ko kaya napatingin ulit ako sa phone ko.

"Hala kumalat!" sabi nung baklang nag aayos sa akin, pero hindi ko 'yun pinansin at binasa yung reply niya.


Tss pero hindi naman ako yung ano mo


Huh? Hindi ang alin? Tinanong ko siya kung ano yung hindi siya.

"Hija 'wag kang magulo, kumalat tuloy yung mascara." Halatang naiinis na yung nag aayos sa akin, si Hadley naman na nasa tabi ko lang ay binatukan ako.

"Huy Quin umayos ka na nga! Text ka ng text d'yan, pasalamat ka naka ayos na buhok mo kun'di sasabunutan talaga kita!" pagbabanta ni Hadley sa akin kaya napasimangot ako. Napaka mean talaga!

"Hads naman! Kasi si Keen, mukhang ayaw pa pumunta."

Tinaasan naman ako ng kilay ni Hads.

"Edi pabayaan mo, birthday na birthday mo nagmumukmok ka d'yan." Sabi ni Hads sa akin.

May point naman si Hads, kaso hindi magiging kumpleto yung araw ko kung wala si Keen :/

Nag behave na lang ako habang inaayusan ako at hindi ko muna ginalawa yung phone ko.


Matapos akong ayusan, pumasok si Blair sa parlor at nginitian ako.

"Dalaga ka na Quin!" nginitian ko naman siya pabalik. Oo nga 18 na ko, hindi ko na kailangan yung fake I.D ko para magpa-late ng uwi! ❤️

Inalalayan ako ni Blair at Hads palabas ng parlor dahil naka heels ako baka daw matapilok ako. Sanay naman na ko mag heels! Ang sama sama talaga nila sa akin, napaka bully!

Nakita ko namang naghihintay sa labas si mommy at daddy, pinagbuksan ako ni daddy ng pinto ng kotse sabay bati sa akin.

"Happy birthday my princess." Dahil doon niyakap ko si daddy, ngayon na lang niya ulit ako tinawag na princess. Nung bata kasi ako, lagi ganun tawag niya sa akin, kaso nung naging busy na siya sa work niya hindi na kami gaano nakapag bonding na.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon