Chapter 49: Moon Lovers
~❤️~
SIGRID
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Para na 'kong timang dito na nakatulala at nakatitig sa flashdrive na binigay sa akin ni Terrence, paulit ulit ko rin ni-re-replay yung kanta lalo na yung sa part niya lang.
Kung may ibang makakakita sa akin iisipin na nababaliw na 'ko. Paano ba naman bago ako matulog, hanggang paggising ko ay nakatitig ako sa flashdrive.
🎶 So don't be afraid to let them show, your true colors, true colors are beautiful like a rainbow.🎶
Hindi ko mapigilang ngumiti kada maririnig ko yung boses niya, siya 'yun eh! Malakas na talaga ang tama ko, nababaliw nanaman ako.
Nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko agad yun, nakatanggap ako ng text at ng makita kong galing kay Terrence yun ay napaayos agad ako ng upo.
Hi Moira, nasaan ka?
Napangiti ako kaya agad akong nag type ng i-re-reply ko.
Nasa puso mo
Pinindot ko yung send at agad akong nataranta nang ma-realize ko 'yung katangahan ko. Bago pa man iyon mag send ay nilagay ko na agad sa flight mode. Agad naman akong nakahinga ng maluwag nang hindi 'yun nag send.
Hay naku Sigrid! Kailangan ko na bang i-untog sarili ko?! Ano bang nasa isip mo at nagkakaganyan ka?! Muntik mo ng ma-i-send 'yun!
Nasa bahay lang
This time ay sinigurado ko ng matino yung na-i-reply ko sakanya.
Wala pang isang 30 seconds ay nag-reply na siya
Nasa tapat ako ng bahay niyo
Tinitigan ko lang yung text niya sa akin, kumurap kurap pa 'ko at pinisil yung pisnge ko.
Malala na talaga ako! Pati ba naman pag text sa akin ni Terrence ng ganyan ay mag-d-daydream ako?! Bakit naman siya magtetext na nasa tapat siya ng bah—
Napatayo ako bigla ng mag sink in sa utak ko yung text niya. Nagmadali akong sumilip sa bintana at what the fudge nandoon nga siya! Nasa tapat siya ng bahay namin! Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?!
Nagmadali akong tumungo sa harap ng salamin at halos tapatan ko na ng krus yung sarili kong repleksyon. Buhaghag yung buhok ko at halatang puyat gawa ng kakatitig sa flashdrive at kakakinig sa kanta na cinompose ni Terrence! Tapos ang panget panget pa ng suot ko sobrang luwag! Mukha akong pulubing zombie!
Nag vibrate ulit yung phone ko at nakita kong nag text ulit siya sa akin
Moira?
Omg! Ano na Sigrid?!
Kinuha ko yung bag ko at hinalukat yung lipgloss na niregalo sa akin ni Blair. Binuksan ko yun at tumitig sa salamin habang tarantang naglalagay ng lipgloss. Nahulog ko pa nga yun sa sobrang pagmamadali, buti na lang ay hindi nabasag.
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?