Forty Two

609 42 43
                                    

Chapter 42: What's Your Favorite Thing About Earth?

I know I don't stand a chance, but I'm gonna like you anyway

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I know I don't stand a chance, but I'm gonna like you anyway.


~❤️️~

SIGRID

"Sigrid! Sama ka na sa reunion natin. Two years na rin makalipas mula nang makagraduate tayo ng high school, sayang naman!"

"Pasensya na Shiena, may lakad talaga ako ngayon."

Kausap ko ngayon sa telepono yung kaklase ko nung highschool na si Shiena, niyayaya niya 'ko na sumama sa reunion namin pero meron na 'kong pupuntahan kaya hindi ako makapayag.

"Naku girl ha, may ka-date ka 'no kaya hindi mo ma-postpone yang lakad mo?"

"Wala kaya! May sasamahan lang ako ano ka ba."

Tumawa naman siya sa kabilang linya.

"Sige na nga, mag iingat ka na lang. Next time ha sumama ka na!"

"Oo naman! Sige, bye Shiena ingat din kayo."

Ibinaba ko na yung telepono at tumungo sa itaas para kunin yung bag ko. Tumingin ako sa salamin bago ako umalis, okay naman na siguro yung ayos ko?

Lumabas na 'ko ng kwarto ko at kumatok sa kwarto ng daddy ko.

"Dad, aalis na po ako. May ipapabili po ba kayo sa akin?"

Ibinaba niya yung hawak niyang ballpen at tinignan ako.

"Wala naman. May date ka anak?"

Natawa ako sa tanong ni daddy kaya pumasok ako ng kwarto niya at sumandal sa study table niya.

"Wala po daddy! May sasamahan lang ako."

Ngumiti siya at tumango.

"Mag iingat ka. H'wag masyado magpagabi."

"Opo, kayo po 'wag masyado magpakapagod." Ngumiti siya sa akin at nag okay sign. Nagpaalam na ko sakanya at bumaba na para umalis.

Doctor ang daddy ko kaya kahit nasa bahay busy pa rin siya. Kaming dalawa na lang ni daddy ang nasa bahay, minsan pumupunta ang kapatid ni daddy na si tita Seline para bisitahin kami.

Maaga kasi nawala si mommy kaya nagpaka-busy na lang si daddy.


Tumunog yung phone ko at sakto naman na nakapara ako ng taxi'ng masasakyan.

Nasa tapat ako ng sinehan. See you soon!

Hindi ako makapag-reply sakanya gawa ng naubusan ako ng load. Nakalimutan 'ko kasing magpaload, nag expire na pala kaninang umaga lang.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon