Nine

626 42 5
                                    


Chapter Nine: Mess

You can't fight fate

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

You can't fight fate.

~❤️~

QUIN

"Ano ba susuotin ko?"

Kanina pa 'ko naghahanap ng ma-susuot ko dahil pupunta ako sa bahay nila Keen ngayon para magpa-turong tumugtog ng gitara. Actually nanuod na rin ako sa youtube kung paano kaso mas gusto ko pa ring si Keen ang mag tuturo, baka sa ganoong paraan gumawa ng move yung red string of fate para sa aming dalawa hihi.

Pumasok naman si Blair sa kwarto ko at sumalampak sa kama ko.

"Quin, kanina ka pa hinihintay ni Hads sa baba ang tagal mo daw, at ano ba 'to ang kalat ng mga damit mo?"

Tinignan ko siya at sumimangot

"Blair, tulungan mo 'ko! Ano susuotin ko? Hindi ako makapili." Umupo ako sa tabi niyang nakasimangot kaya naman umiling siya at tinignan yung mga damit 'kong nakakalat sa sahig.

"Ano ka ba Quin kahit ano naman ang i-suot mo. Pero kung gusto mo talagang ma-impress si Keen mo, ito na lang."

Ini-abot niya sa'kin 'yung kulay green 'kong sleeveless tops at kulay puting high waisted na skirt. Kahit kailan talaga ang galing pumili ng damit ni Blair.

"Thanks Blair! Savior talaga kita." Niyakap ko siya kaya naman napatawa siya ng konti.

"Naku ikaw talaga. Bilisan mo na at sigurado akong umuusok na tenga ni Hadley sa baba"

Umalis na siya sa kwarto ko kaya naman nagbihis na 'ko at nag ayos ng konti.


Pagkalabas 'ko pa lang ng apartment ay bungad na bungad 'yung pagmumukha ni Hadley na nakasimangot at inip na inip na.

"Sorry Hads! Nagkaron lang ng wardrobe emergency" Inirapan naman niya 'ko at sinabing sumakay na ko sa kotse.

Ihahatid kasi nila 'ko sa bahay ni Keen. Sinabi kasi ni Keen yung address ng bahay nila at nagkataong alam ni Hadley 'yun kaya naman sinabi niyang siya na daw ang bahalang mag hatid dahil malapit lang din naman ito sa school namin.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila Keen ay bumusina si Hadley pero walang lumalabas.


"Baka naman walang tao" sabi ni Blair

"Ang sabihin mo umalis 'yun kasi alam niyang darating si Quin" sabi naman ni Hadley kaya sinimangutan ko siya. Napaka supportive talaga niya.

Bumaba kami ng kotse at kumatok sa pintuan nila.

Naka ilang katok rin kami hanggang sa magbukas ito at bumungad sa amin si Keen na mukhang bagong gising lang.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon