Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I want you for the rest of my life but even that doesn't seem long enough.
~❤️️~
QUIN
"Good morning Blair at Hads!"
Inilapag ko yung niluto kong breakfast sa lamesa kaya agad kumuha ng plato si Hadley at umupo.
"Ang saya mo ata ngayon?" tanong ni Blair habang kumukuha rin ng kanin.
"Syemepre naman, maganda kasi gising ko."
Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa idea na 'kami na' tapos hindi niya ko nakalimutan sabihan ng good night kagabi.
"Hay naku Quin nanaginip ka nanaman 'no? Maupo ka nga at kumain!" Hinawakan ni Hadley yung kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya. Punong puno pa ng kanin yung bibig niya, ang takaw talaga nitong si Hads!
"Hinay hinay naman Hadley, mabulunan ka n'yan e." Sabi ni Blair, at ayun nabulunan nga bigla.
Inabutan ko siya ng tubig at agad naman niyang kinuha 'yon para inumin.
"Sinumpa mo 'ko ano, Blair? Witch ka talaga!"
"Excuse me? Ikaw nga mas mukhang mangkukulam sa ating dalawa." Ganti ni Blair. Hindi naman siya pinansin ni Hadley at sumige pa rin ng kain. Sarap na sarap naman siya sa luto ko, fan ko talaga si Hadley.
"Uhm guys, alam niyo ba ang sweet ni Keen! Binilhan niya 'ko ng ukulele na may heart sa Boracay, tapos nag date pa kami nilibre niya 'ko. At omg, tabi kami sa van pauwi, nakasandal pa ko sa shoulders niya paggising ko! Sayang, sana nandoon kayo nung outing namin."
Dire-diretso kong kwento sakanila, kung nasa anime lang kami siguro nagniningning yung mga mata ko at pumupuso pa. Nakaka excite, ang dami kong gusto i-kwento sakanilang dalawa!
"Quin, ano nanaman bang drama pinapanood mo? Papanoorin ko rin." Sabi ni Hadley sa akin. Si Blair naman ay busy na kumakain habang nag-te-text, hindi siya nakinig sa sinabi ko!
"Totoo nga kasi 'yon! Bakit ba ayaw niyong maniwala" nakakatampo na sila huhuhu kagabi pa sila hindi naniniwala sa akin.
"Nasaan ba kasi pruweba mo?"
Sinamaan ko ng tingin si Hadley at kinuha yung phone ni Keen na nasa bulsa ko.
"Ito pruweba ko! Nasaakin phone ni Keen."
Kinuha niya 'yon at tinitigan yung lockscreen na litrato naming dalawa ni Keen, lumapit si Blair at nakitingin din.
"Sa'yo ata 'to e, bago mong phone. Tignan mo nga pagmumukha mo pa yung wallpaper!" bulyaw ni Hadley sa akin, talagang hindi ba kapani-paniwala na kami na?! Bakit ba pilit nilang sinasabi na hindi totoo 'yon!