Seven

674 45 8
                                    


Chapter Seven: Don't Want Your Love

Sometimes you have to smile and act like everything is okay, hold back the tears and walk away

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sometimes you have to smile and act like everything is okay, hold back the tears and walk away.


~❤️~

KEEN

Tangina talaga. Ba't ganun itsura nito?

Seryoso ba talaga siya sa mga sinabi niya? Kailangan pa niyang baguhin sarili niya para lang sa akin, hibang na talaga siya.

"Guys labas muna 'ko saglit" Tinanguan naman siya nila Liam kaya lumabas na siya.


Nang makaalis na siya dito sa room, lumapit silang lahat sa akin ng parang timang kaya naman sinamaan ko sila ng tingin.

"Hoy Keen, seryoso ba talagang nanliligaw sayo si Quin?" pati si sir Matt lumapit rin sa akin nung tanungin ako ni Jaze

Hindi ko yun sinagot at inayos lang yung mga gamit ko sa bag 'ko. Kalalakeng tao napaka chismoso.

"Kung ako sayo pare sagutin mo na yang si Quin" sabi naman ni Liam kaya napatango silang lahat

Ano bang pake nila? Badtrip naman.

"Tama si Liam baka mamaya maunahan ka ng iba d'yan, iba pa mga titig, lalo na ngayon lalo pa siyang gumanda." Tumingin saglit si Cameron kay Jude ng sabihin niya yun pero nilingon din ako agad.

Tss edi maganda kung ganun wala ng mam-bu-bwisit sa akin.

Tumayo ako para umalis na, wala akong panahon sagutin mga tanong nila. Kalalake nilang tao mga chismoso, nang intriga pa. Tangina akala ko ba The Euphemists kami ba't naging The Buzz? Leche naman.

Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng music room ay may isinigaw si sir Matt

"Bakuran mo na 'yun Keen!"

Ano bang pake nila? Hindi ko nga siya type, ang kukulit. Badtrip naman

Bakuran, korni. Kala mo mga highschool. Tanginang yan


Habang naglalakad ako sa labas ng music room, nakita ko yung babaeng may saltik na nakaupo sa bench, kasama yung lalakeng 'yun.

Tangina anong ginagawa n'yan dito?

Bakit magkausap sila?


"Anong ginagawa mo dito?"

Lumingon siya at yung lalakeng 'yun kaya naman napatayo sila parehas at hinarap ako

"S-Sorry, hinahanap na ba 'ko sa loob?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin, tinitigan ko lang yung nasa likuran niya kaya naman napatingin na rin siya nung mapansin niyang hindi siya yung kinausap ko.

ChiaroscuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon