Chapter Seventeen: How to Love
"I realized I was thinking of you, and I began to wonder how long you'd been on my mind. Then it occurred to me, since the day I met you, you've never left."
~♡~
QUIN
"Kinakabahan talaga ako."
Kanina pa 'ko pa ikot ikot dito sa music room gawa ng kaba 'ko. Ilang minuto na lang mag-pe-perform na kami!
"Maupo ka nga Quin kanina ka pa pa-ikot ikot, nahihilo ako sa'yo." Sabi ni Jaze sa akin kaya tinignan 'ko siya at ngumuso.
"Hindi ba kayo kinakabahan?" tanong ko sakanila.
"Sa una, oo kinabahan kami, pero nung mga sumunod hindi na. Masasanay ka rin Quin" sabi ni Jude sa akin at nginitian ako.
Tinignan 'ko sila Jaze, Cameron at Liam at nginitian ako na sumang ayon sa sinabi ni Jude.
Huminga ako ng malalim at umupo sa may tabi ni Jude.
Kumalma ka Quin! Pero paano nga ba kumalma?
Tinignan ko si Keen na nakaupo at nakasandal sa pader habang nakapikit lang. Ayan ang kalma na kalma.
Edi sila na ang hindi kinakabahan!
Habang nakatitig lang ako kay Keen, pumasok naman bigla ng music room si Kiel kasama si Shanin.
Nagsi-tayuan sila at pinuntahan si Kiel para batiin. Oo nga pala, siya ang dati nilang lead vocal. Lumipat lang siya ng school kaya naghanap ng bagong lead vocalist ang banda.
Nang nakapagbatian na sila, nagawi ang atensyon ni Kiel sa akin. Nilapitan niya 'ko kasama si Shanin kaya nginitian ako ni Shanin.
"Hi Quin! Long time no see, lalo kang gumanda!" bati sa akin ni Shanin kaya napayuko at at napakamot sa batok.
"T-Thanks Shanin" tugon ko sakanya. Nakakahiya naman at cinompliment pa niya 'ko.
Nginitian ako ni Shanin kaya nginitian ko din siya pabalik. Sa totoo lang sobrang bait talaga nitong si Shanin. Kung nagkataon na lalake ako, liligawan ko talaga siya.
Kaya siguro nagustuhan siya ni Keen.
"Ano pala nakain mo at napadpad ka dito kasama si Shanin, bro?" tanong ni Liam kay Kiel.
Ngumiti siya at tinignan si Keen na walang kamalay malay sa nangyayari. Nagtaka naman kaming lahat dahil sa pagtingin niya kay Keen.
"Gusto ko lang i-goodluck kapatid ko."
Nagtaka kaming lahat sa sagot niya, may kapatid siya dito? Bakit hindi ko alam? Sa tatlong taon na crush ko siya bakit di ko alam na may kapatid siya?
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?