Chapter 57: Someday
I've got a hundred million reasons to walk away
But baby, I just need one good one to stay.
~❤️~
QUIN
Keen Vryx Fierro with Aeya Shanin Morales.
Nabitawan ko 'yung phone ko nang mabasa ko 'yung bungad sa wall ko.
Nananaginip ba 'ko?
Kinurot ko yung pisnge ko hanggang sa masaktan ako, kinuha ko 'yung phone ko na nasa lapag ngayon at tinitigan ulit yung post ni Keen.
Ang sakit
Sa sobrang titig ko doon, hindi ko namalayan na may tumutulo nanamang luha sa mga mata ko. Umiiyak nanaman ako, kailan ba 'to titigil? Nakakapagod na.
Sila na pala, ang bilis naman. Hindi ba uso ang three-months rule? Kahit naman hindi niya 'ko minahal, wala ba talaga siyang pake sa nararamdaman ko? Bakit sobra naman na ata.
Humarap ako sa salamin at halos manlumo ako nang makita ko 'yung sarili kong repleksyon. Ang itim itim na ng ilalim ng mata ko, ang gulo ng buhok ko at ang putla putla ko. Ang pangit pangit ko na.
Pinunasan ko 'yung luha ko at kinuha yung make up kit ko. Sa sobrang lalim ng eyebags ko, halos kapalan ko na 'yung concealer na ilagay ko.
Wag ka ng umiyak, please?
Nagsuklay ako ng buhok at nag bihis ng maayos.
Lumabas ako at bumaba patungo sa sala, nadatnan kong nanonood si Hadley at nagbabasa ng libro si Blair. Tumingin naman sila sa akin at nagtaka dahil na rin siguro sa ayos ko.
"Shopping tayo." Sabi ko sakanila kaya nagulat sila pero ilang segundo lang ay nagkatinginan silang dalawa at ngumiti.
"Tara!" sabi ni Blair at agad tumayo. Sa sobrang excited nila, nag unahan pa sila umakyat sa taas para magbihis. Napailing na lang ako, parang dati lang yung mga ganitong scenario masaya na 'ko. Pero bakit ngayon, ang hirap hirap ng ngumiti?
BINABASA MO ANG
Chiaroscuro
Teen FictionLove changes everything. Either from better to worse or from worse to better. But through the midst of these two, what changes will occur?